Chapter 7

10 3 0
                                    

Temujin P.O.V

Nang matapos na kaming mag usap ni Laxin agad kung hinanap sila Thiara. Ang bilis namang mawala ning dalawang yun. May lahi atang kabayo yun eh.

Habang naglakad lakad ako, nakita ko si zero na busy sa pag bilang nang mga babae. Fuckboy rin pala to eh, lumapit ako at tinapik sya.

"Grabe  Zero Fuckboy ka rin pala" natatawang sabi ko, agad naman syang napatingin sa akin at kumunot ang noo.

"Fuckboy?! Wag mo nga ako itulad sayo ! Atsaka alam mo ba talaga kung anong meaning nang fuckboy?" Sabi niya sabay nagbibilang nang mga babae. Nandito kasi sila sa gate nang palasyo nila.

"Oo alam ko" Proud kung sabi

"Tsk ! Search mo sa YouTube,, Fuckboy by Jroa, Siguradong makakarelate ka" Naiinis nyang sabi.

"YouTube?? Ano yun?!" Nagtatakang sabi ko. Agad naman syang tapawa, pero yung mga babae naman kinikilig.

"Search mo Sa Google baka  malaman mo yung Sagot" Natatawang sabi nya

"Google?! Ano naman yun !" Naiinis kung sabi.

"Diba pumupunta ka nang mortal world? Bakit di mo hanapin yung Sagot doon. Seryosong Sabi nya na nakatingin sa mga babae.

"Teka ka nga, bakit mo ba binibilang yang mga babae mo?!" Nagugulohang sabi ko. Agad naman syang sumeryoso

"Anong babae ko?! May pinapagawa lang si ama sa akin" sabi niya

"Dili lang gud ta mangasuko" Sabi ko sa kanya.

"Hindi ako nagagalit, napipikon lang" Sabi niya nag taka naman ako.

"Pano mo na intindihan ang mga sinasabi ko??" Nagtatakang sabi ko

"Di kasi ako gaya mo, nawalang laman ang utak" insultong sabi niya.

"Wow hiyanghiya naman ako sayo, di ikaw na Fuckboy" Natatawang Sabi ko
Agad naman syang humarap sa akin

"Umalis ka na ngalang  dito, daig mo pa si Thiara sa kaingayan eh" Sabi niya, agad ko namang naalala na hinahanap ko pala sila

"Ay Oo nga pala, nakita mo ba sila dito?" Sabi ko

"Hindi, pano ko makikita eh busy ako dito" Seryosong sabi nya

"Oo nga pala , busy ka pala sa mga BABAE mo" Sabi ko sabay takbo dahil pag di pa ako tumakbo baka  masapak pa ako non. Ang laki pa naman nang kamay non.

Laxin P.O.V

Pagkatapos naming mag-usap ni Temujin. Naglakad lakad muna ako, napapangiti ako dahil sa reaction nung  Thiara. Nang malapit na ako sa Blue kingdom may yumakap sa akin sa galing sa likuran ko. Agad ko naman syang nakilala based sa Amoy nya.

"I miss you Laxin, di mo man lang ako sinabihan na nandito kana pala" Nagtatampong Sabi ni Tophara kumalas naman ako sa pag yakap sa kanya at humarap.

"Hinanap kaya kita, kaso  si Temujin yung unang nakita ko, atsaka saan ka ba nag punta !" Naiinis kung sabi sa Kay Tophara, eh kanina pa ako naghahanap sa kanya, napapagod na nga tung mga paa ko.

"NASA Palasyo lang ako no !" Sabi ni Tophara

"Anong NASA palasyo ka, eh doon ako una nag punta bago ko nakita si Temujin. Pinagloloko mo ba ako ha?!" Galit kung sabi sa kanya

"Hehehe Talaga ba?? hinanap ba ako ni mama doon nung pumunta ka sa palasyo" Nahihiyang sabi niya.

"Ewan ko" Natatawang sabi ko agad naman kumonot ang noo ni Tophara

"Anong Ewan mo?! Ibig sabihin di ka pumunta sa palasyo !" Sigaw nyang sabi, agad ko naman syang sinapak

"Bakit ka sumisigaw ha?! Inaano ba kita dyan !" Inis kung sabi sa kanya

"Hehehe  Sorry," ngiting sabi niya, may tupak ata tung babaeng to eh.

"Baliw ka ba?" Natatawang sabi niya

"Anong baliw?! Sa ganda kung to" Taas noo nyang Sabi nya.

"Wooooh ang hangin, Ramdam mo ba?" Sabi ko Kay Tophara

"Ha? Wala namang hangin  ah." Nagtatakang Sabi nya, agad naman akung tumawa, Tumingin naman sya sa akin

"Anong nakakatawa Laxin?" Seryosong sabi niya, Tumigil naman ako sa pagtawa baka sabihin into baliw ako, mahirap na

"Wala, Never mind" Sabi ko.

"Anong pinag'usapan nyo ni Temujin?" Seryosong sabi niya

"Wala kana don !" Sabi ko sabay talikod sa kanya at naglalakad, naramdaman ko naman syang sumonod sa akin. Alam ko nacucurious na naman to

"Ano nga ! " Sabi niya habang sumasabay sa akin sa paglalalad.

"Malalaman mo rin pagdating nang panahon" Seryosong sabi ko

"Hay naku ! Ayan nanaman tayo eh, dati ka pa nagsasabi sa akin nyan eh." Galit nyang sabi. Tumawa naman ako

"Okay, sasabihin ko." Sabi ko agad namang nag twinkles ang mga mata nya, Chismosa kasi itong si Tophara.

Someone P.O.V

Humanda kayo sa aking pagbabalik my dearest Brother  sabay tingin sa hari nang Red Kingdom, Nandito kasi ako malapit sa kagubatan sa taas nang Puno. Ginala ko yung mga Mata ko at agad nanglaki yung mga mata ko dahil kamukha nya ang Asawa ko nung dalaga pa ito.

Tinitigan ko yung mukha nya tapos yung hubog nang katawan  nya, magka pareho nga sila, nanglaki ulit ang mga ko nang Tumingin sya sa akin. Nakakunot naman ang noo nya tapos tinitigan nya ako kung saan ako naka tayo.

Nakikita nya ko?? Eh Ginamit ko yung Invisibility na powers ko para di ako makita. Lalo akung nagulat nang kumaway sya sa akin, Fucksh*t  nakikita nya nga ako. Agad akung tumalon sa mga sanga ng Puno palayo sa kanila. Di maaring magkatulad sila nang kapangyarihan ng asawa ko.

Shane P.O.V

Nandito ako ngayon nakaupo sa may Park, Wala kasing masyadong taong pumupunta dito, dahil busy sila sa pag eensayo. Agad Tumaas ang kilay ko nang makita ko nanaman yung dalawa. Huminto silang dalawa sa may kagubatan upang ituloy ang pagtatawanan nila. Naka side view kasi silang dalawa sa akin yung isa nakatalikod sa kagubatan yung isa nakaharap sa kasama nya na nakatalikod sa kagubatan.

Bigla akung nagtaka nang kumonot yung noo nang isang babae na nakatingin sa kagubatan, tumingin naman ako doon sa tinitigan nya, wala namang tao doon. Sabay balik nang tingin sa dalawang babae, nagtaka ako lalo nang kumaway yung babaeng nakaharap sa kagubatan. Tumingin ulit ako sa kagubatan, wala naman akung nakikita.

Don't tell me na may nakikita sya?? Di kaya multo? Pero impossible naman. Wala namang multo  magpaparamdam sa umaga. Ang weird talaga nang mga babaeng to..

Agad akung tumayo para umalis dahil nagugutom na ako.

*****************************************

Sino kaya yung nakamasid at sino naman yung kumaway..

Please Comment
Vote

The Blind BanditTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon