Chapter 11

9 3 0
                                    

Carther P.O.V.

"Anong lugar ba ito?" Sabi ko Kay Tophara

"Lugar kung saan ka nababagay" Sabi niya na nakatingin sa kisami.

Nakahiga kasi sya tapos ako nakaupo sa may gilid nang kama nya.

"Di ba ako pwedeng Umuwi sa amin?" Tanong sa kanya.

Bumangon naman sya at tumingin sa akin. Ako naman nailang  dahil di ako sanay  na may tanong tinitigan ako.

"Mag isip ka nga, kung babalik ka sa inyo  sa tingin mo Hindi ka hahabulin nang mga humahabol sayo?" Sabi niya

"Bakit? Anong kailangan nila sa akin?" Nagtatakang sabi ko.

"Yang kapangyarihan mo" Deritsong sabi niya

"Bakit? Anong meron sa kapangyarihan ko?" Nagtatakang sabi ko

"Isa yang pinaka malakas na kapangyarihan dito sa boung mundo" Sabi niya.

"Ang gulo parin eh, Di ko parin gets" naguguluhang sabi ko.

"Slow mo kasi. Ikaw lang ang merong Air power dito sa lugar NATO, ano gets mo na?" Naiinis niyang sabi.

"Ah hehehe, Sorry naman." Nahihiyang sabi ko.

"Kailangan mo nang umalis dito. Di dapat ka nanatili dito sa palasyo." Sabi niya sabay silip sa bintana.

"Saan naman ako Titira" Lungkot lungkotan  kung sabi.

"Alam ko na kung saan." sabi niya

"Saan?" Sabi ko at agad nya akung hinila palabas nang palasyo, buti  walang tao dito sa dinadaanan namin.

Zero P.O.V.

Pababa ako nang hagdanan nang marinig ko ang Babaeng Sumisigaw. Parang nagwawala ata. Hinanap ko yung babaeng sumisigaw habang papalapit ako sa may kulungan lalong lumalakas yung sigaw nung Babae.

Nang NASA harapan na ako nang kulungan. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang isang babaeng madumi buhaghag ang buhok, parang baliw, kung tawagin.

Nagulat ako nang bigla syang tumakbo sa akin at lumuhod.

"Ilayo mo sya dito" Sabi niya

"Ilayo kanino?" Nagtatakang sabi ko.

"Sa mga taong  gustong kumuha sa kanya" Sabi niya

"Di kita maintindihan" Sabi ko.

Lalo akong nagulat nang hawakan nya nang dalawang kamay yung ulo ko. At bigla naman akung may nakikita na parang Scenario o Palabas.

Nanglaki lalo yung mata ko nang makilala ko yung babaeng walang awa nilang pinagtulungan. Hindi maari. Sumigaw ako at tinulak ko yung babaeng baliw.

"Ano yung pinakita mo sa akin?!" Sigaw ko sa babaeng baliw. Ngumiti naman sya sa akin

"Yung nakita mo ay mangyayari palang pag di mo sya nilayo dito" Ngising Sabi nya

"Totoo ba yang sinasabi mo?" Sabi ko

"Nakita muna diba? NASA sayo nayun kung maniniwala ka o Hindi. Pero nakasalalay dito ang taong  unti unti munang minamahal" ngising Sabi niya.

Agad akung lumabas nang selda at lumabas nang mansyon, para puntahan ang babaeng nanganganib. Kailangan ko syang protektahan.

Nang makarating na ako sa bahay nila kara, nagulat ako nang makita ko si Temujin na kararating lang din.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko Kay Temujin.

The Blind BanditTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon