6

2.4K 64 4
                                    

"Yes Danielle, medyo two or three ata yun. Sa first part, sa pag naging sila na at sa Ending. Pero smack lang siyempre. Welll nasa school parin kasi tayo." Pagpapaliwanag ng scriptwriter.

Nagbu-butil butil ang pawis ko sa noo. Me? and AA? Kiss? What?! Namula ako sa naiimagine ko.

"Gusto mo praktisin na natin?!" Nakangising asar ni AA habang nilalapit ang mukha niya sakin.

"M-manahimik ka nga jan AA!" Sigaw ko at tumalikod na sakanya. Lumabas na ako ng room tutal naman ang sabi, memorizing daw muna. Ugggh bat ba kasi ako ang bida dito!

Nauna na ako sa sasakyan ni AA at napapikit pagkasandal ko sa back seat. Keep calm Elle. Keep calm.

*Toktok* Napatingin ako sa nakatok sa bintana. Isang nakangising AA parin. Tinaasan ko siya ng kilay at lumipat na siya sa kabilang side ng kotse. Pagpasok niya pa-hum hum pa siyang nalalaman. Tumingin siya sakin at kumindat. Geez!

"Manong sa office po, may bata po kasing gustong magtrabaho ngayon." Pang-aasar ulit ni AA.

Umismid lang ako at tumingin sa bintana. 

Mabilis na natapos ang ilang trabaho namin sa opisina at nagyaya na umuwi si AA. Dumaan kami sa McDo dahil dun niya daw gusto magdinner.

"Elle" Malambing na tawag ni AA.

"Oh."

"Bat galit ka sakin?" Tanong niya.

"Bakit inaasar mo ko?" Balik na tanong ko.

"Sungit mo." Sabi niya sabay subo sakin ng fries.

"First kiss mo ba kaya ka naaasar?" Mapang-asar na tanong niya.

Sinipa ko ang paa niya. "ARAY!" Sigaw niya habang hinihimas himas ang binti niya.

"Pikon!"

Pagkauwi sa bahay, dun niya lang ulit ako kinausap.

"Ayaw mo ba ako ikiss?" Painosenteng tanong niya.

"What?!" Naalarmang tanong ko.

"Sa kissing scene! Bat gusto mo ba ako ikiss ngayon? Oo ba, come baby!" Lumalapit siya sakin habang naka-istretch ang kamay niya.

"Tigil nga AA!" Sigaw ko at tumakbo

"Halika na kasi baby, kikiss naman kita eh!" Tumatakbo parin ako palayo sakanya.

"Isa AA!"

"Dalawa Elle!" Patakbo narin siyang nalapit sakin hanggang sa umaakyat na kaming dalawa patakbo.

Tumakbo ako papasok sa kwarto ko at isasara na sana ang pinto kaso naharangan niya to ng paa niya.

"AHHHH! AA kasi!" Halos patili kong sabi.

"Come to me baby!!" Sigaw niya ng tuluyan niyang mabuksan ang pinto. Paatras nalang ako ng paatras habang palapit siya sakin ng palapit. Hanggang sa napahiga na ako sa kama kakaatras.

Pumatong siya sakin pero di nakadagan dahil nakatungkod siya sa kamay niya. Nakangiti siyang nakatitig sakin na nagpainit ng mukha ko.

"You're blushing again Elle." Amusement is evident in her voice. 

Nagulat ako ng makita na papalapit ng papalapit ang mukha niya sa akin. Napapikit nalang ako. Ineexpect kong ikikiss niya nga ako sa labi, pero sa tungki ng ilong ko naramdaman ang labi niya. Napakunot ang noo ko.

"Disappointed??" Mapangasar na sabi niya at tumayo na. Umupo narin ako ng ayos at hinampas siya.

"Silly." Mahinang sabi niya at ginulo ang buhok ko.

Almost [GirlXGirl]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon