13

1.9K 61 7
                                    

After 3 years..

“All set?” Tanong sakin ni Kazuhiro bago lumabas at dumiretso sa kotse niya. 

“Yeap.” Nakangiti kong sagot saka inakay na si Gabby.

Mabilis akong pinagbuksan ng pinto ng kotse ni Kazu at agad naman na tumakbo sa driver’s seat.

“We’re late.” Bulong niya saka ini-start ang engine ng kotse.

“It’s Gabby’s birthday, pano magiging late eh wala pa yung celebrant.” Natatawang sabi ko.

Buti nalang at malapit lang ang venue ng birthday party ni Gabby. She’s four already. At ayun, sobrang daldal na at diretso na magsalita. Nag-aaral narin siya. Konti lang ang expected na guest pero siniguro naman ni Kazuhiro na mag-eenjoy si Gabby rito. Kazu took over their company 2 years ago, pero kahit na busy, nagawa pang mag-organize ng party. While me, busy na sa pagiging News Anchor ng isang TV station.

“Is Arian and Frenz coming?” Tanong ni Kazu habang naka-focus sa pagd-drive.

“Ewan ko kung natuloy ang flight nila nung isang araw. Last week pa huli kong kausap sakanya.” Sagot ko sa tanong niya habang inia-ayos ang ipit ng anak ko.

Andun na lahat ng bisita ng makarating kami. All dressed up in their pink get ups. Strictly observe the party’s motif kasi ang peg ni Kazu kaya ayun, nalulula ako sa dami ng naka-pink. Puro relatives lang naman to nila Kazuhiro. At mga classmate ni Gabby sa Nursery School.  Wala naman kasi akong iiinvite.

“Nanay, dalhin mo na si Gabby sa stage.” Bulong sakin ni Kazu at inilapag na ang gamit naming sa assigned table sa amin.

“Ikaw na kaya dada.” Pag-aabot ko sakanya kay Gabby dahil nahihiya akong pumunta sa gitna. Tutal siya naman ang organizer nito.

“You’re the mom.” Pagtanggi niya at prente ng umupo.

“Naynay, balloons! Tara na!” Aliw na aliw si Gabby sa paligid niya na punong puno ng pink at white na balloons.

Dinala ko na siya sa gitna at pinastart na ang program. Games, magic show at pagpapatawa ng clowns, typical birthday party. Sobrang daldal at tawa ng tawa si Gabby. Halatang masaya siya ngayong birthday niya.

Maya-maya’y nagstart na ang kainan, at nililibot namin si Gabby para makasalamuha ang bisita niya. And I’m surprised to see Arian and Frenz sa isang table.

“Ninaaaaang!”  Agad na tawag ni Gabby ke Arian.

“Happy birthday baby!” Sinalubong niya ang papatakbo sakanyang si Gabby

“Miss mo ninang noh” Natatawang sabi ni Arian at panay ang halik sa pisngi ni Gabby.

“Akala ko hindi kayo natuloy, ni hindi kayo nagtetext sakin.” Nagtatampong sabi ko.

“Sinabi na naming sayo na flight naming nung isang araw diba. Di lang nakapagparamdam dahil nagging busy.” Paliwanag ni Frenz sakin.

Sila lang ang palagi kong kausap nitong mga nakaraang taon, kahit na isang beses lang sa siang taon kung bumisita dito sa Pinas. Kaya nga tuwang tuwa si Gabby na makita si Arian sa personal dahil madalas, sa screen ng iPad ko lang niya to nakikita.

Nag-propose na si Frenz kay Arian at sa ngayon, iniaayos na ang kasal nila dito sa pilipinas pati yung tutuluyan nilang bahay dito. Ayaw na daw nila sa States. Kaya no wonder di na sila nakapagparamdam pagkauwi nila dito.

Mabilis na natapos yung party. At ngayon, iniaayos ko na sa sasakyan ang mga regalo ni Gabby. Kinuha ko na ang bag ko at karga si Gabby na bagong palit ng damit pabalik sa loob ng venue. Naghahalungkat ako sa bag ko para hanapin ang cellphone ko dahil tatawagan ko na si Mang Joe na kunin na ang sasakyan ko rito para iuwi ang mga regalo.

Almost [GirlXGirl]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon