Kumakain ako ngayon ng piattos habang pinu-proofread ang isa-submit ko ng thesis bukas. Sa wakas! Makaka-graduate na ako. Sobrang laking pasalamat ko na nai-take ko agad ang naiwang units ko dati at nagtyaga ng matindi kahit buong araw akong nasa school. At pagkatapos nga ng lahat ng pagpupursige, posible pang gumraduate ako ng Cum Laude sa Abril.
"Nay nay!" Tawag ng chikiting kong 1 year old na, naglalaro siya mag-isa ngayon sa crib niya.
"Gabbyyyyyy!" Tawag ko na nagpahagikgik sakanya. Napakamasiyahin ng batang ito. Malakas pa makaramdam pag may problema kami ng Tata AA niya. Tata ang tawag niya kay AA dahil nabulol siya sa Tita. Hanggang sa nakasanayan na niya.
"Naaaaaay!!!" Tawag na naman niya, halatang nakikipaglaro ng tawagan.
"Baby koooo!" Mas lumakas ang hagikgik niya ng boses na ni AA ang narinig niya.
"Taaaaa!" Nagmamadali siyang tumayo at pilit na umaakyat sa crib niya. Mag-iisang taon palang siya ng matuto na siyang tumayo, ngayon parehas na kaming hinihika ni AA kakahabol sa kanya ng matuto siya maglakad.
"Hi nanay." Humalik sa pisngi ko si AA at dumiretso na kay Gabby. Nakangiti lang akong pinapanuod silang maglaro.
"Lakas boses naman ng baby ko! Rinig ko sa gate palang!" Kinikiliti niya si Gabby kaya tawa ito ng tawa.
Ng mapagod silang dalawa kakaharutan ay tumabi na sila sakin at parehas na hingal na hingal. Kinuha ko bimpo sa tabi ko at pinunasan ang pawis ni Gabby habang si AA naman ay nakasandal lang at nakapikit. Napansin ni Gabby na tahimik ang tata niya kaya hinampas niya ito sa mukha.
"Gabby! Bad yan!" Tumingin lang sakin si Gabby at bumalik ang tingin kay AA. Biglang ngumisi si AA kaya lumayo sakanya si Gabby.
"Tata!!!" Sigaw ng bata ng kiniliti nanaman siya ni AA.
Ganito lang kami kapag parehas kaming hindi busy ni AA. Kami ang nagbabantay kay Gab imbis na si Yaya. Sinusubukan namin palagi na ilaan ang Weekends bilang Naynay, AA at Gabby day. Si Kazu naman ay busy rin sa thesis niya kaya minsan nalang dalawin si Gabby. Si AA, mas nauna sakin natapos kaya sa DE Pub na siya mas focus ngayon.
"So napag-isipan mo na ba kung uuwi ka this summer?" Tanong ko kay AA habang nakain kami ng dinner.
"Ayaw mo naman sumama eh." Sabi niya lang at nagkibit-balikat nalang. Last year, dumaan ang Undas, pasko at bagong taon pero hindi parin siya nauwi para dalawin ang Mommy niya. Kaya ngayon pinipilit ko siya para sa Death Anniversary ay umuwi siya.
Maaga kaming pumasok sa kwarto ni Gabby para matulog na. Maaga kasi ang pasok ko bukas. Nagshower muna ako at nagulat ako pagbalik ko sa kwarto, katabi na natutulog ni Gabby si AA.
Inilipat ko ng higaan si Gabby at tumabi na kay AA. Ng maramdaman niya akong nakahiga na, yumakap siya ng mahigpit sakin.
"I'm scared baby." Malungkot na sabi ni AA. Mas hinigpitan ko ang yakap sakanya pabalik at huminga ng malalim.
"AA pinagbigyan na kita last year dahil busy ka sa school, ngayon, kelangan mo na umuwi dun. Pwede namang kahit 3 weeks lang after Graduation diba?"
"I'm still thinking baby. Let's sleep." Mabilis niya akong hinalikan sa labi at ipinatong na ang baba niya sa tuktok ng ulo ko, kaya siniksik ko na ang mukha ko sa leeg niya.
Mabilis na lumipas ang mga araw at graduation na. At last, after 4 years, graduate na rin, bonus nalang ang medalyang uwi para sa pagiging cum laude. Laking gulat ko rin ng tawagin si AA dahil isa rin pala siyang cum laude. Ni hindi man lang nabanggit sakin.
Pagkatapos ng grad ceremony ay dumiretso na kami sa isang restaurant para sa grad dinner. Kasama sina Arian at Frenz na kakadating lang dito kahapon para sa graduation namin at ang family ni Kazuhiro. Ng matapos, sila na ang nag-uwi kay Gabby dahil hihiramin daw muna nila at iuuwi nalang sa amin bukas.

BINABASA MO ANG
Almost [GirlXGirl]
RomanceThe saddest word in the whole wide world is the word almost. - Anonymous