"Kamusta ang baby ko?" Tanong ko kay Gabby na nagbabasa nanaman ng libro. Kakagaling ko lang kasi sa opisina ko para personal na magpaalam sa staffs at boss ko doon.
Isinara niya ng dahan dahan ang libro at tumingin sa akin. May halong pagtataka ang mukha niya.
"Is tata mad with dada?" Inosente niyang tanong.
"No, why baby?"
"Narinig ko si tata na sumisigaw over the phone kanina, and she mentioned dada's name. Are they fighting?" Ibinalik na niya ulit ang atensyon sa pagbabasa.
"No, baby, wag mo na isipin yun."
Iniayos ko na ang pagkain niya ng maya maya, nag-ring ang phone ko.
"Hello?"
"Elle." Sagot ng nasa kabilang linya, kinabahan ako upon hearing her voice.
"Why, what happened?"
"No wala, magpapaalam lang ako na di ako makakauwi jan. Stucked sa office works."
"Uhh, okay okay." Then she hang up.
Sinimulan ko ng pakainin si Gab. Siya tahimik lang na ngumunguya at nagbabasa habang ako, tahimik na nagpapakain pero sobrang ingay ng isip ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang ika-bother ang mga nangyayari.
Lately napapadalas na talaga ang pagiging tahimik at parang laging may iniisip si AA. Na para bang kasama nga namin siya dito sa hospital room ni Gab, pero ang utak niya nalipad sa kung saan-saan. Hindi ko naman na dapat iniisip pa yun, kasi given the fact na busy talaga siya sa trabaho, alam kong pressured din siya sa lagay ni Gab ngayon.
Pero dahil sa sinabi ni Gab, AA's shouting over the phone at mentioning Kazu's name, that got me thinking. Are they hiding something?
"Nanay, aaaah." Nakangangang agaw atensyon ni Gab.
"Wow, lakas mo na ulit kumain, mauubos mo na oh." Ngumiti lang ang anak ko bilang tugon.
--
Natapos narin ang first cycle ng chemo ni Gab. And mga 2-3 days ay pwede na daw siya idischarge, kung makukuha niya ang sapat na pahinga. Inihahanda ko narin ang sarili ko para sa magiging pagbabago kay Gab, lalo na sa katawan niya. Idiniscuss sa akin ng doctor ang mga side effects ng chemo at para bang nanghihina ako kapag naiisip ko sa anak ko pa nangyayari ito.
Pero kelangan ko maging matatag.
May kumatok sa pinto at iniluwa nito si Kazu.
"Kamusta siya?" Tanong niya at inilapag ang dala niyang bag sa may lamesa.
"Okay naman, kelangan lang daw ng pahinga at pwede na siya idischarge."
"Eh ikaw kamusta na?" Tinabihan niya ako at inakbayan. Inialis ko ito at lumayo na sakanya, at sa kama ni Gabby.
"Okay naman rin, naghihintay lang madischarge si Gab."
Nag-stay pa ng ilang oras si Kazu. Puro tanong at kwento lang siya pero hindi ko rin naman maintindihan to. Hanggang ngayon kasi, nabobother parin ako sa nangyayari sakanila ni AA.
Ni hindi pa nga ako nakakareceive ng text o tawag mula sakanya simula ng magpaalam siyang hindi sya makakauwi dito. Yes, I miss her. Gab misses her. And I cant stop worrying. Nasesense kong Kazuhiro's up to something.
And I know I have to do something to stop him.
Pumasok ang nurse sa kwarto at chineck ulit si Gab. "Nurse, kamusta po?" Magalang na tanong ko habang nagsusulat sya sa hawak nyang hospital records ni Gab.
"Okay na po Mommy, ipapakita ko lang to kay Doc at pede na niya kayong payagan madischarge. " Matamis na ngiti ang sinagot ko.
Tinawagan ko na si AA para ipaalam na uuwi na kami ngayon. Pero after 3 times ng pagdial, Out of reach talaga siya. The only choice left is to call Kazuhiro.
Mabilis naman syang sumagot at sinabing On the way na siya. I sighed after hanging up. Where in the earth are you AA?
"Baby tara sponge bath, para makauwi na." Pag-aya ko sa anak ko at agad naman siyang tumugon.
"I miss tata already." Malungkot na bulong nya nung nabihisan ko na sya.
"She's just stuck on her work baby. Uuwi yun pagnakauwi tayo." I give her an assuring smile. I cant stand to see my little girl sad. She's sick and too fragile right now. I hugged her tight and then the door open up, Kazuhiro.
"Pakiayos na muna yung hospital bills ni Gab." Mahinang sagot ko sa bati nya sakin.
"Okay nay, be ready para makauwi na agad tayo ni Gab." At saka nya siniil ng halik ang bata sa pisngi.
"We're going home now." Text ko kay AA. At saka sinimulang ligpitin ang gamit namin.
Nakauwi na kami lahat lahat pero wala paring reply si AA. Again, malungkot ang bahay kapag walang AA sa paligid.
Iniakyat ko na si Gab na mahimbing ng tulog. At saka sumilip sa kwarto ni AA. Magulo ito, kalat ang mga papeles at damit sa kama nya. Merong mga bote ng beer sa lamesa. At puro box ng take out na pagkain sa sofa. So dito pala sya nauwi.
Hindi ko na muna ginalaw ang mga ito at bumaba na. Habang nasa hagdan palang, naririnig ko na ang boses ni Kazu na parang nakikipagtalo, may kausap siguro sa telepono.
"Nasusundan mo ba siya? .... Good. Nafile ko na ang restraining order. .... Oo pupunta nga ako sa board meeting bukas. ... Text mo ako kapag uuwi siya dito. ... Sige maaasahan ka talaga." Nung hindi ko na siya narinig na nagsalita ay bumaba na ako ng tuluyan.
"Ay Danie, pinapasabi pala ni Mommy na ipasyal mo daw si Gab don. Hindi siya nakadalaw sa hospital dahil sinusumpong ng sakit nya" Kaswal na sabi ni Kazu habang iniaayos ang mga gamit galing sa ospital.
"Ako na dyan. Salamat sa pagsundo sa amin." Agaw ko sa mga hawak niyang bag.
"Okay, babalik na ako sa opisina."
Tumango lang ako at umalis na siya ng tuluyan. Umupo muna ako at napaisip, restraining order? Para kanino?
Kinagabihan, kumain lang si Gab at pinatulog ko na ulit. Naglinis na ako ng buong bahay pati na ng kwarto ni AA.
Malapit na akong matapos sa pagliligpit ng gamit nya ng mapansin ang isang bag. Pagkabukas ko nito ay nakita ko ang ilang mga papeles. Mga papeles ng BPO company nila. At ilang mga titulo ng ari arian niya sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. At passport niya at isang plane ticket.
Plane ticket nakaschedule ng pag-alis sa susunod na lunes, Plane ticket na nakaschedule papuntang U.S.
Aalis ka nanaman ba AA?
---
A/N: Short update muna. Pero promise dadalasan ko na ang updates. I missed you guys!

BINABASA MO ANG
Almost [GirlXGirl]
RomansaThe saddest word in the whole wide world is the word almost. - Anonymous