15

1.9K 72 11
                                    

"Nanay?" Mahinang tawag na nagpagising sakin.

"Gab, baby, may masakit?" Inalis ko ang brasong nakayakap sa akin at inayos ang kumot kay AA. Saka tumayo sa sofa at lumapit sa hospital bed ni Gab.

"Wala nanay, gusto ko na umuwi." Malungkot ang tingin ng anak ko sakin. Napatitig lang ako sakanya. Parang dinudurog ang puso ko na makita ang pinaka-inaalagaan kong anak, ay nagsa-suffer sa malubhang sakit. 

"Di pa pwede baby, gusto mo nalang magbasa?" Nginitian ko siya at lumapit sa kabinet kung nasan ang mga gamit namin, at kinuha ang regalo sakanya ng tata niya na Harry Potter books.

"Sige po lagay niyo dito." Ngumiti narin siya, napangiti narin ako dahil simula ng himatayin siya, ngayon lang siya ngumiti ulit.

"Ano pa gusto mo? Pagkain? Water?" Tinabihan ko siya at niyakap. Pinipilit na maging matatag.

Simula kagabi ng nalaman namin ang sakit niya, wala na akong ibang nagawa kundi umiyak, kahit na walang magagawa ang mga luha, tila ba eto nalang yung paraan para mabawasan yung sakit na nararamdaman ko. Hindi ko pa nagagawang kausapin ang doctor ng anak ko. Ni hindi nga ako lumalabas ng private room ni Gab dahil ayokong mawala siya sa paningin ko. Eto na ata ang pinakamasakit na nangyari sakin pagkatapos mawala ng mga magulang ko. Buti nalang at nasa tabi ko si AA, baka kung wala siya, nabaliw na ako kakaisip.

Napatigil ako sa pagpapakain kay Gab ng pumasok si Kazu sa kwarto. Mabuti nalang at umuwi muna si AA dahil may aasikasuhin siya saglit, kundi, baka sumama pa timpla nun.

"Dada!" Masiglang tawag ni Gab sa kanya. 

"Baby! Ano nangyari sayo?" Bakas sa mukha ni Kazuhiro ang pag-aalala.

"Gusto mo ikaw na muna magpakain? Puntahan ko lang doctor niya." Inabot ko sakanya ang pagkain ni Gabby.

"Sure nanay."

Ngumiti nalang ako at tinalikuran na sila. Pagkalabas ko, huminga ako ng malalim at pumunta na sa opisina ng doctor.

Kumatok ako at maya maya, bumukas ang pinto. Sumilip ang doctor.

"Doc pwede po ba kayo makausap tungkol sa sakit ni Gabby?" 

"Sure Misis, pasok po."

Umupo ako sa katapat na upuan ng lamesa ng doctor at naghintay na makabalik siya sa pwesto niya.

"So kamusta na si Gabby? Mamaya ang rounds ng check up ko sakanya." Nakangiting tanong ng doctor

"Nagising na po kanina at nakain na ngayon, medyo nanghihina pa nga lang po."

"Ah, talagang manghihina pa siya dahil sa sakit niya. Any history ng cancer sa family niyo?" 

"Wala naman po as far as I know doc, kahit po ata sa father side niya ay wala rin." Magalang na sagot ko.

"I see, well my cases talaga na unknown ang cause ng sakit niya. So imbis na problemahin pa ito, mas gusto ko idiscuss sayo ang maari nating gawin upang magamot ang anak niyo."

Tumango nalang ako bilang sagot.

"As you can see, Childhood Leukemia is a cancer of the whiteblood cells. Mabilis kumalat to sa bloodstream at bina-block out ang mga healthy cells natin sa katawan, eto ang dahilan kaya mabilis magkasakit at mainfect ang katawan.

Mahirap magkasakit, especially sa bata, kaya mas doblehin natin ang pag-aalaga ngayon sakanya, at dahil bata pa siya, there's this big possibility that leukemia will be treated."

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig na malaki ang possibilidad na gumaling si Gabby. Ngumiti ako sa doktor at muling tumango para iparating na magpatuloy siya. Tumango siya pabalik.

Almost [GirlXGirl]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon