"Congratulations Danielle, it's a girl!" Masayang bati ng doctor ko. Andito kami ngayon sa ospital at nagpa-ultrasound na. Week 22 ko na ngayon, ilang tiisan nalang.
Pagkatapos ng ultrasound, niyaya ko si AA na mag-mall. Dahil ngayong alam ko na ang gender ni baby, mamimili na ako ng ibang gamit. Mula sa damit, baby gloves at socks, mga feeding bottles, lalagyan ng gatas, mga konting laruan, mga lampin at bimpo, bumili na kami. Kadalasan ay pink at yellow ang pinili kong kulay. Masaya ako habang namimili ng mga gamit. Mas nararamdaman ko na magiging nanay na ako.
"Ako na magbabayad Elle." Pigil sakin ni AA sabay abot ng card niya sa cashier.
"AA naman." Napabuntong hininga nalang ako. Simula ng gabing nagkausap kami, pinilit ko parin na mawala ang awkwardness sa aming dalawa. Kahit papano, natulong nalang ako sa trabaho niya, at inaaral ko nalang ang mga lectures na inuuwi niya galing sa school para may maisagot pa ako sa exam namin.
Bumili narin ako ng magiging crib at stroller ni baby. Pagkatapos namin sa department store, nag-ikot ikot na muna kami ni AA.
"Danielle? Iha?" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses na yun.
"Buntis ka?" Napaharap na ako at nagulat, si Kazuhiro at ang Mama niya.
"Si Kazuhiro ba ang ama niyan?" Mahinahong tanong ng Mama niya.
"Opo tita." Nahihiyang sagot ko. Di ko ineexpect na ngayon pa nila malalaman ang totoo.
"Bakit hindi mo sinabi sakin?" Galit na tanong ni Kazuhiro.
Napepressure na ako sa nangyayari. Napahawak ako bigla sa kamay ni AA dahil sobrang kinakabahan ako.
"Espinosa, alam mo rin?" Baling na tanong naman niya kay AA.
"Yes, since the day she found out she's pregnant with your child." Humigpit ang hawak ko sa kamay ni AA.
"Pero bat hindi niya sinabi saamin? Maari ko ba kayong mainvite kumain?"
Tumango nalang kaming dalawa ni AA. Tumingin ako sakanya at tumango lang din siya sakin. Nakahawak parin ako sa kamay niya dahil pakiramdam ko mas kakayanin ko harapin to kapag kasama ko siya.
"Ilang buwan na?" Agad na tanong ni tita ng makaorder na kami. Narito kami ngayon sa isang fine dining restaurant, pinili siguro nila dito para wala masyadong tao. Simula kanina tahimik lang si Kazu na halatang malalim ang iniisip. Si AA naman ay pormal lang ang pakikitungo sakanila.
"6 months na po."
"Nagpaultrasound kanaba?" Tanong ni tita, tumango ako at kinuha ang ultrasound result ko sa bag ko.
"Babae! Magkaka-apo na akong babae!" Masayang sabi ni Tita. Alam kong matutuwa siya dahil nuon pa man gusto na niya ng anak na babae, pero hindi siya biniyayaan at nag-iisang anak lang si Kazu.
Napangiti rin si Kazu ng makita ang ultrasound.
"Pero bakit hindi mo sinabi agad samin hija? Kung hindi ka namin nakita dito sa mall, ay hindi pa namin malalaman." Malungkot na sabi ni tita.
"Wala po talaga akong balak sabihin sainyo." Matigas na sabi ko.
"Pero bakit Danie? Anak ko yang dinadala mo!" Pagalit na sabi ni Kazuhiro.
"Dahil simula ng naghiwalay tayo, nawalan ka na ng karapatan sakin, at karapatan sa anak mo!"
"Stop fighting you two! Pag-usapan natin to ng ayos!" Pagsasaway samin ni tita.
Nanghihina akong tumingin kay AA. Alam kong hindi niya rin gusto ang nangyayari.
"Balak mo bang itago samin to Danielle?" Malungkot na tanong sakin ni tita.
BINABASA MO ANG
Almost [GirlXGirl]
RomanceThe saddest word in the whole wide world is the word almost. - Anonymous