14

1.9K 58 12
                                    

"He disowned me."

"Pero bakit?" Nag-aalalang tanong ko sakanya.

"Well gender issues. It got serious." Normal na sabi niya.

"Gaano kaseryoso naman yun at umabot sa point na yun?" 

"Well, I declined the engagement again." She shrugged then smiled. "Don't think much. It's a father-daughter thing, and we're good now, he gaved me the BPO Company." 

"And I'm staying for good, so I'll have my eyes on you, all the time." Seryosong pagbabanta niya.

"Yea, right." I rolled my eyes on her, then she smirked.

"Spill." Ayan nanaman ang striktong boses niya.

"Well, you know Gabby, she questioned us bakit daw hindi kami sweet ng Dada niya. So there, naisip namin na kahit konti at sa harap lang ni Gab, magpanggap. Though alam naman ni Gabby na hindi na kami ni Kazuhiro." 

"Good." She smiled like she won the lottery. Tsk.

---

"Nanay, sakit ulo ko." Nakangiwing sumbong sakin ng anak ko habang nakahiga na kami para matulog. Nakahawak pa siya sa ulo niya.

"Baka kasi kakabasa mo yan. Buong maghapon ka ba naman nagbasa." Minasahe ko nalang ng dahan dahan yung ulo niya.

"Gusto ko lang na kasi matapos yung Harry potter series, so I could watch the whole movie series na." Inaantok niyang paliwanag.

"Sleep na, may pasok kana bukas." Hinalikan ko na ang tuktok ng ulo niya at niyakap siya ng mahigpit. 

"Goodnight nanay, Loveyou." Humihikab niyang sabi.

Hinihimas ko lang ang ulo niya para makatulog siya agad. Siguro napagod ang mata niya sa pagbabasa. Masyadong pursigidong matapos. Niyakap ko na ang anak ko at natulog na.

Maya maya, nagising ako sa lakas ng ubo ni Gabby. 

"Baby, what's wrong?" Tanong ko sakanya dahil nakaupo na siya at nakahawak sa dibdib niya.

"It's hard to breathe nanay." At umubo siya ulit.

"Nako, may ubo kana, malamig ata masiyado yung aircon, kukuha ako gamot." Inihiga ko na uli siya at mabilis na bumaba sa kusina para kunin ang gamot at baso ng tubig.

"What's wrong?" Tanong ni AA na nasa sala pa pala at nakaharap sa laptop niya.

"Inuubo si Gab" Maikling sagot koat kinuha na ang dapat na kunin sa kusina.

Pinainom ko na agad si Gabby ng gamot at hininaan na ang aircon. Humiga na uli ako sa tabi niya at hinimas ang likod niya. Mabilis naman siyang nakatulog agad.

Kinabukasan, natuloy na sa lagnat ang ubo ni Gabby kagabi kaya hindi na ako pumasok. Ganito kasi ako pag nagkakasakit ang anak ko. Sobrang maselan kasi siya pag may sakit. Tipong ayaw nagpapaistorbo sa pagtulog, pahirapan pakainin at minsan nagsusuka pa. 

"Sigurado ka bang di na kelangan ng doktor?" Tanong ni AA na nasa tabi ko at nakaharap nanaman sa laptop.

"Normal lang naman sa bata magkasakit. Di na muna, lagnat lang yan. Baka napagod sa party niya at pagbabasa maghapon." 

"Kelan daw kasal nila Arian?" Tanong niya ulit.

"Next month na, February 15 ata." 

"Ahh." Sagot niya at sumandal ang ulo niya sa balikat ko.

"Kamusta kayo nung nawala ako?" Malungkot na tanong niya.

"Ganon parin naman, nalungkot lang ng sobra si Gabby, di mapatahan ng iyak pag hinahanap ka."

Almost [GirlXGirl]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon