10 - Baby Gab

2.2K 58 11
                                        

"Ay manganganak ka na! Wait baby, wait lang!" Nabuhayan bigla siya ng dugo at natatarantang nagpapa-ikot ikot sa kwarto niya.

"AA Bilis!!"

Mabilis siyang nagsuot ng jacket not minding if naka pajamas pa siya. Kinuha niya ang wallet niya sa bag niya. Pagtingin niya sakin nagulat siya na dala ko na ang bag ng gamit namin ni baby. Bumaba na kami. Kinuha niya ang susi sa sabitan nito at binuksan ang kotse thru its remote. Lumabas na ako at sumakay na sa backseat. 

Lumabas si AA na tarantang duma-dial sa phone niya. Paulit ulit siyang nagta-tap dito at paulit ulit na inilalapit yun sa tenga niya. Mukha siyang nalugi nung sumilip sakin sa bintana.

"Uhm Elle?"

"What?"

"A-ano k-kasi" Nabubulol na natataranta siya.

"Ano kasi?"

"Si Mang Joe eh."

"Ano asan na?!!?" Napasigaw na ako dahil naramdaman ko nanaman ang contractions.

"Umuwi, di natulog diyan sa kwarto niya. Nagpaalam nga pala siya sakin kanina. Walang magda-drive!!" Siya naman ang sumisigaw.

"Alangang ako magdrive!!!" 

Napakamot siya ng marahas sa buhok niya out of frustration. At sandaling natulala.

"AA!!! Ano ba!"

"E-eto na! Ako na." Dali dali siyang lumakad sa driver seat. Inistart ang engine at bumubulong bulong.

"Please AA!"

Napaandar na niya ang kotse at nasa highway na kami. Pero dumodoble na ang sakit at ang bagal magdrive ni AA.

"AA please, konting bilis!"

"I'm trying Elle. Im trying."

Buti nalang at malapit lang ang ospital kaya nakarating kami kahit parang pang-karo na ang bilis ng pagpapatakbo ni AA. Mabilis akong inasikaso sa emergency room at inilipat sa operating room. Hawak hawak ni AA ang kamay ko. Natetense ako dahil nakikita ko na maraming mga nakaputi.

"Shhh, relax baby. Just relax." Pag-aalo sakin ni AA habang natakbo rin kasabay ng stretcher ko.

"Please don't leave." Pagmamakaawa ko.

"AAAAAHHHHHHHHHHHH" Dumodoble na yung sakit, tumitriple pa.

"Miss malapit na po tayo." 

"Uhm miss asawa lang po ang pwede sumama sa loob." Pagharang ng nars kay AA.

"Pero kelangan niya ako!" Pakikipagtalo niya.

"Papasukin niyo na po wala akong asawa!" Sigaw ko at pinapasok na nila si AA.

Sinimulan nila ang labor at iba pang proseso. Totoo ngang pagna-nganganak ay nasa hukay ang isa mong paa. Halos himatayin na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Sa boong oras ng pagle-labor ng panganganak ko, hawak lang ni AA ang kamay ko. Sinuggest pa nga niya na magvivideo pa raw siya pero mura lang ang inabot nya sakin. After 10 hours of labor, natapos din ang sakit. Naramdaman ko ang pagod at inantok na ako ng masilayan ang baby ko na hawak hawak ni AA. Napangiti ako ng marinig ang iyak niya at makita ang ngiti ni AA, saka ako napapikit.

--

Nagising ako at ramdam ko parin ang sakit ng tahi ko. Pagmulat ko, hinanap ko agad si baby. Nakita ko si AA na natutulog ng nakatungo sa gilid ng kama ko. Alam kong puyat siya dahil umaga na natapos ang pagle-labor ko kanina. Wala sa kwarto ang anak ko, baka nasa nursery room.

"AA" Pagtatapik ko sakanya.

"Elle, gising ka na pala." Medyo bangag niyang sabi.

"Kamusta? Si baby?"

Almost [GirlXGirl]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon