Maaga ko pinapasok si AA ngayon para sa hapon, makapagcelebrate kami. Binihisan ko na si Baby Gab, at nagpapaalam na kay Arian na kanina ko pa kausap sa Skype. Nagtanong lang ako kung ano bang magandang i-regalo kay AA, at ang sagot niya lang, Kahit ano basta galing sayo, masaya na yun.
Kaya ngayon, inumpisahan ko na maglibot sa mall habang tulak tulak ang natutulog na si Gab sa stroller niya. Una ko pumunta sa department store, sa dami na ng damit ni AA, at sapatos, mukhang wala akong magugustuhan dito. Lumipat ako sa jewelry shop, sa tipo ni AA, tuwing may okasyon lang siya nagsusuot ng accesories. Kaya aanhin nya pa ang mahal na alahas diba? At ngayon andito ako sa Book store. Sa scrapbooking at craft section ako namalagi. Why not handmade diba? Then one box caught my eye. Loom bands starter kit. Nakita ko ang model photo niya sa box at napangiti ako. I believe little things has big space in people's heart. Tinignan ko ang sample ng kit, kumuha na ng isa at nag-ikot muna pa.
Before lunch kami nakauwi sa bahay. Agad ko na pinakain si Gab at naglalaro siya ngayon mag-isa sa crib niya. Ako naman, inaaral na ang loom bands. Matapos ang isang oras, nakagawa na ako ng isa. Nilagyan ko pa to ng charm na flower. Gumawa pa ako ng isa para sakin. Itinabi ang sobra para gawan si Gab sa susunod na araw. Nag-ayos na ako dahil padating na si AA. Isang plain pink shirt at brown pants ang suot ko, sabay kuha ng chucks sa shoe rack. Sinuotan ko naman ng pink rin na dress si baby.
Pumunta ako sa closet ni AA at pumili rin ng pink na shirt niya. Saka kumuha naman ng black pants at white chucks. Tuwang tuwa si Gab ng pumasok si AA sa kwarto niya. Naglaro sila ng naglaro habang nililigpit ko ang ilang gamit niya na nakakalat at pinagbihis na siya. Hindi na kami nagdala ng ibang bag kundi kay Gab lang para sa feeding bottles at extra shirt ni baby. Saka iniready ang stroller sa labas. Ng matapos si AA ay inihila ko na agad siya sa labas at pinasakay na sa kotse. Pero bago ako pasakayin, inabot niya muna kay Mang Joe ang phone niya at umakbay sakin habang karga niya sa kabila si Gab. "Picture" Bulong niya sakin at ngumiti na kay Mang Joe. Ngumiti narin ako pagkabilang niya. Alam na ni Mang Joe ang pupuntahan namin. Hindi mapakali si AA dahil hindi ko sinasagot ang tanong niya kung saan kami pupunta.
Pagdating sa bahay nila Kazu, ako nalang ang bumaba at si Gab saka inihabilin ang ibang gamit ni baby. Maayos akong nagpaalam kay tita at bumalik na sa sasakyan. Gulat na gulat si AA dahil hindi daw namin isinama si Gab. Sinagot ko nalang na masyadong delikado at mapapagod si baby.
Tahimik lang kaming nasa byahe. Pinapakiramdaman ko lang siya kaya hindi narin ako masyadong nakilos. Nung makadating sa destinasyon namin, agad rumehistro ang gulat at bigla siyang nagpakawala ng isang napakalaking ngiti.
"STAR CITY!!!" Tuwang tuwang sabi niya at napalakpak pa.
Nalaman ko kasi na mula bata pa lang ay gustong gusto na niyang pumunta sa mga amusement parks, pero never siyang nakapunta dahil hindi siya pinapayagan ng mommy niya dahil delikado daw dahil sa dami ng tao dito. Eto ang una at tanging suggestion ni Arian kanina nung tinanong ko kung saan ko ba dapat dalhin si AA.
Mabilis kaming bumaba at pumasok na sa loob. Wala masyadong tao ngayon kahit na summer. Mabilis kaming pumila at pinili na ang Ride All You Can ticket na may kasamang ticket sa Snow World. Hinila ako ni AA patakbo sa loob. Ano ba namang bata to.
"AA, dahan dahan."
"Eeeeeeeeeh, nae-excite lang ako!" Kinikilig pa na sabi niya.
Matapos ang isang oras, nakakasampung rides na ata kami. Pati Peter Pan at Time Tunnel pinatos rin namin. Pero kapag inaaya ko siya sa Gabi ng Lagim o sa Dungeon, ayaw naman niya! Ngayon nasa labas na kami at nakatitig lang siya sa Surf Dance.
"Tara na!" Aya ko sakanya pero nakatitig parin siya.
"Uyyy takot! Pang-aasar ko at tinutusok pa ang tagiliran niya.

BINABASA MO ANG
Almost [GirlXGirl]
RomanceThe saddest word in the whole wide world is the word almost. - Anonymous