"Elle, baby" Mahinang tawag sakin na nagpagising sakin, plus, may mabigat na nakadagan sa tyan ko.
"Hmmmm." Mahinang ungol ko habang unti unting nagigising ang diwa ko. At bigla may naramdaman akong humalik sa noo ko. "Wake up please?" Nagmamakaawang sabi niya, ni AA.
"What?" Kunot noo kong tanong habang nakapikit parin. Saka tumalikod sakanya ng higa.
"Let's talk please." Talk? Talk-tokin kita jan eh. Mahigpit siyang yumakap sakin, isisiksik ang pagmumuka niya sa may batok ko. Ay, makulit.
Buong pwersa kong iniangat ang sarili ko paupo at inis na humarap sakanya. "Nakita mo ng natutulog ang tao!" Pasigaw kong sabi. Aba, pagkatapos niyang mawala ng higit dalawang linggo mula nung nasa ospital pa kami, bigla siyang manggigising ngayon.
Inilapit niya ang mukha niya sakin, she cupped my face and stared at my eyes, her eyes expresses tiredness, pain and loneliness. What happened to my AA?
Ako na ang yumakap sakanya ng mahigpit. Saka siya isinabay sa paghiga ko. "Take a rest first."
"I can't. I only have 2 hours more to stay, then aalis na ako." Oh yes, tomorrow is Monday. Wait, later pala dahil madaling araw na.
"You're leaving again." Mas lalong humigpit ang yakap ko sakanya.
"I have to. This is a matter in my life na hindi ko mai-resched. I promise to tell you everything, just give me 2 months. Aayusin ko lang ang lahat. Just promise me na may malaman ka man, sakin ka lang maniniwala, or hindi man maniwala, pero you'll listen to my side. Please?"
"I'm so confused AA, wala akong alam sa nangyayari, I need you, we need you. Bigla kang nawawala, at ngayon lalayo pa. Nabo-bother na ako. May nangyayari ba between you and Kazuhiro?" Ini-level ko ang mukha ko sakanya. At tinitigan ang mata niya. Ang mata niyang nababalot ngayon ng takot.
"The least I can say is, pinipilit niyang agawin kayo sakin. And I'll never ever let that happen. Kaya I have to go and do some errands, to seek help, to solve this mess. Just trust me. Wait for me. I'll be back, okay? Focus on Gab muna. I'll check on you every now and then." Mahabang paglilitanya niya. Kazuhiro is really getting on my nerves now.
"Pero bat ngayon ka lang umuwi dito? Last week pa kami nakauwi, ni text, ni tawag wala ka man lang ginawa para mangamusta. Nakakadagdag ka sa stress ko, at sa stress ni Gab dahil she misses you. Lagi ka niyang hinahanap. Di ko na alam isasagot ko sakanya." Nakakapanghina na ang lahat ng nangyayari. And even AA, na nakitaan ko ng pagiging matatag, ay parang gusto ng sumuko ngayon. Pero eto siya, nangangakong aayusin ang lahat. And that's what I have to hold on, that's what fuels me not to give up. Alam kong sobra sobra pa sa nararamdaman kong stress ang nararamdaman ni AA. Pero ayaw niya kaming isuko basta, kaya lumalaban siya.
"Just tell her, na her Tata loves her so so so much, and sorry na hindi ko siya maalagaan ngayon, and sorry dahil I'm causing you both pain. Pero tandaan niyong dalawa na para sainyo to. Para sa atin to." She finally smiled. Na nagpadagdag sa lakas ko. Na nag-alis kahit papaano ng stress at takot ko.
"I'll wait, we'll wait for you. Pero please don't leave us hanging again. Pag 2 months at wala ka pa sa Pinas, mag-aalsabalutan na kami at tataguan kana." Biro ko sakanya at bumalik nalang sa pagyakap sakanya at isiniksik ang mukha ko sa leeg niya. "I missed you so much, and I'll miss you." Malungkot na sabi niya.
Andami ko pang gustong tanungin. Sobra na akong naguguluhan. Sobrang nahihirapan sa sitwasyon. Sobrang nag-aalala para sa anak ko. Pero ayoko munang magtanong ng magtanong kay AA. Hihintayin ko nalang na umuwi siya, maayos niya ang lahat, at bumalik siya sa amin. Matatapos din to.
"I love you Elle. I can sense na he'll do everything masiraan niya ako sainyo. Ti-timing lang yung gag*ng yun."
"Shhhhhh." Saway ko sakanya at tumahimik nalang muna kami. Filling our longing for each other. Okay na akong yakap ko lang siya ngayon.

BINABASA MO ANG
Almost [GirlXGirl]
RomanceThe saddest word in the whole wide world is the word almost. - Anonymous