"Ms. Danielle, parang blooming ka ngayon ah." Masayang bati sakin ng prof ko, sigurado akong kilala na niya ako dahil ilang beses ko na siyang naging professor sa mga subjects ko, at sa kaswertehan ko, maging ngayong third year, nagharap nanaman muli kami.
"Ah di naman po Sir." Tumungo nalang ako at nagdiretso na sa assigned seat ko.
Mabilis natapos ang 2 oras na klase, mabilis dahil wala akong ibang ginawa kundi humikab at manalanging sana matapos na ito. Teka, mabilis nga ba iyon? Naglalakad ako papuntang cafeteria, nag-iisip ng kung anong gusto kong kainin ng sa kasamaang palad, nakasalubong ko si Kazuhiro.
"Danielle, kamusta?" Lakas loob niyang tanong sakin. Anakanang tupa to, dictionary ka ba?
"Oh, Ayos naman." Sagot ko nalang at nagpatuloy na ng lakad, masyadong boring ang araw ko kaya ayaw ko ng pasamain pa ito.
"Can we talk?" Mahinang sabi niya. Aba, dictionary nga, san kaya niya nakuha ang kakapalan niya ng mukha?
"No." Sagot ko nalang at pinagpatuloy ang paglalakad.
"Wait up Danie"
"Stop calling me that stupid pet name." I walked faster.
"Elle! Kumain ka na?" Thanks heavens AA saw me.
"Ah hindi pa, tara AA treat mo ko." Hila ko pagkalapit niya sakin. Halata ang pagkagulat sakanya.
"Espinosa?" Narinig kong pagtatakang tanong ni Kazu.
"Oh, tara Elle." And this time, si AA na ang nanghila.
"I never knew you two are close." Pasigaw na komento ni Kazu bago kami nakaliko sa hallway.
"Are you still talking to him Elle?" AA started interrogating me since we sat down here in the cafeteria.
"Hindi, nakasalubong ko lang." Sagot ko sabay kagat sa Ham and Cheese sandwich ko.
"Sigurado ka?" She asked again.
"Yes."
"Di nga?"
"Yes AA" Inirapan ko na siya at patuloy na kinain ang sandwich ko. Kairita lang kasi. Tumahimik na siya pagtapos nun. At ako tinapos lang ang pagkain at inaya na siya sa susunod naming klase.
"Okay class, for your midterm project I'm assigning you to make a skit about a particular issue concerning you, students, teenagers. Once I'm impressed, your class is exempted for the Major exam. I'm expecting a lot. Now, plan!"
Nagsimulang magkagulo ang klase. At kami ni AA, tahimik na nag-oobserba. Ang presidente, hindi magkandaugaga.
"I need suggestions now guys" She commanded.
"Poverty?" Classmate 1.
"Too easy." Maikling reject niya.
"Sexual Harrassment?" Classmate 2
"Too complicated" Reject nanaman niya.
"Drug Abuse?" Classmate 3
"Too common" Another rejection
"DotA?" Classmate 4
"Another suggestions?" Napabuntong hininga na siya.
"What about, Gender problems?" Classmate 5
"Specifically?" She asked back, with a little hope in her eyes
"Homosexuality? Bisexuality." Classmate 5.
"Ohh. I think that's better." She smiled. "So who would do the scriptwriting?"
Then the meeting goes on. Napabuntong hininga nalang ako dahil hindi na nila nakuha ang atensyon ko, samantalang si AA naman, seryosong nakikinig lang.

BINABASA MO ANG
Almost [GirlXGirl]
RomanceThe saddest word in the whole wide world is the word almost. - Anonymous