Chapter Seven

21 2 0
                                    

Khate's pov

Iyak ako nang iyak dito sa art room, para akong tanga.

Naawa na ako sa sarili ko, sinasayang ko ang luha ko para sa lalaking di naman alam na gusto ko siya. Nakakatawa.

May narinig akong tunog mula sa labas, yapak nang tao.

May pumasok sa art room kaya tumungo ako, pero may luha pa ring tumutulo mula sa mata ko.

"Nandito ka lang pala, bakit ka umalis dun?" Boses nang isang lalaki ang nagsalita.

Inangat ko ang ulo ko kaya nakita ako ni Justin na umiiyak.

Nakakita ako nang awa sa mata niya, ayoko nang may naaawa sakin.

I don't want people to see me crying, I don't want them to look like I am weak.

But I need him now.

"Bat ka umiiyak?" Tanong niya.

"Justin" huhuhuhu iyak ko sabay yakap sakanya.

Humagulgol lang ako sa balikat niya, nakakahiya dahil nabasa ko na ang balikat niya nang luha ko.

Hinagod ng ang likod ko, he's comforting me.

"Shh, tahan na ang panget mo pag umiiyak" Nangaasar pa eh.

"Dahil ba'to kay Francis at Leanne?" Tanong niya kaya napakalas ako sa yakap ko sakanya.

"B-bat mo nalaman? Pano mo n-nalaman? Sinabi ba nila sayo?" Sunod sunod kong tanong.

"Hindi, wala naman kasing ibang dahilan para umiyak ka, nakita kaya kitang tumakbo nung hinalikan ni Francis si Leanne"

Napatahimik ako pero nagsalita ulit siya.

"Gusto mo ba siya?" Tanong niya kaya nahihiya akong tumango sa kanya habang nakayuko.

"Tigilinan mo na yang nararamdaman mo habang maaga pa, kasi pag mas matagal mas masasaktan ka lang lalo" He said.

Nagtaka ako bigla sa sinabi niya kaya inangat ko ang ulo ko at tumingin sakanya nang deretso.

Umiwas siya nang tingin at may dinukot muna sa bulsa at may kinuha, panyo.

Binigay niya iyon saakin. "Oh punasan mo nga muna luha mo, panget mo eh"

Sabi niya pagkaabot ng panyo, naks nang insulto pa eh.

Kinuha ko naman yun sakanya.

Pinunasan ko muna luha ko at suminga na rin natawa pa siya pagkasinga ko, tumahan muna ako tsaka ko siya tinanong "Bakit ko naman kailangan tigilan, why should I?" Tanong ko.

"Dahil may iba na siyang gusto" Tipid niyang sagot.

"Ha? Sino naman?" Tanong ko.

"Kaibigan mo na pinsan ko"

Napatahimik ako sa sinabi niya.

Si Leanne?

Gusto niya si Leanne?

How? How long?

Ngumiti ako sakanya pero sa loob ko may sakit akong nararamdaman.

Nasasaktan na naman ako.

"Ahh, Justin pede bang itong nangyari, satin na lang dalawa 'to?"

Pakiusap ko sakanya.

"Yah, sure ofc" Sagot niya kaya nginitian ko nalang siya.

Nagstay muna kami nang mga ilang oras don, walang imikan.

Walang nagtangkang magsalita.

Broken PromisesWhere stories live. Discover now