Chapter Sixteen

22 1 0
                                    

Khate's pov (kinabukasan)

Naalimpungatan ako ng 3:00 am nang madaling araw kanina dahil sa uhaw at gutom kaya kinailangan kong bumaba para kumuha sa ref.

Bat kasi walang ref dito sa kwarto ko eh, sasabihin ko nga kay daddy na palagyan ako bukas.

4:00 na ng madaling araw ngayon, di na ako makatulog. Bat kaya ako ganito? Once na nagising na di na makatulog.

Nag bukas muna akong ilaw, dahil andilim dito sa kwarto ko. Wala akong makita na kahit ano.

Pinatay ko din muna ang aircon dahil nilalamig na ako naisipan ko nalang buksan ang sliding window ko malapit sa kama.

Napatingin ako sa sarili ko sa salamin, I look so tired now.

Ayoko munang pumasok bukas, di ko pa sila kayang harapin.

Babalik na sana ako sa kama pero may tumama sa muka kong isang bagay na papel kaya nahulog ito pailalim sa kama.

Luh? Ano yon?

Sinilip ko ito sa ilalim ng kama ko at kinuha.

Eroplanong papel? San naman 'to galing? Imposible naman na sa labas, sure akong wala nang gising sa oras na'to.

Tinanggal ko ang pagkakaeroplano nito at napansin na may nakasulat sa loob.

"Sumilip ka sa bintana mo" Ayan yung nakasulat sa papel.

Sinong nagpalipad niyan dito sa kwarto ko?

Just to make it clear sumilip ako sa bintana ko, tumingin ako sa baba, kanan at kaliwa. Wala namang tao eh.

Di kaya nangtritrip lang yun?

"Psssttt!!" Hala sht sino yon? Luh luh luh.

"Psssttt!! Khateee!!" Tawag ulit nung kung sino man.

Halaaaaa, this is getting creepy.

WAAAH!

Tumingin ulit ako sa paligid ko at sa harap nang kwarto ko, may window din na nakabukas.

May guy na nandun pero di ko maaninag kung sino, medyo madilim sa lugar.

Wait naaninag ko na si-

Justin???

Oh I forgot mag kapit bahay nga lang pala kami, tsaka si Francis.

Tinuturo niya yung cellphone niya, teka...

Ba't niya tinuturo yung cellphone niya? Baliw ba siya?

"Buksan mo yung cellphone mo!" Sigaw niya pero medyo malakas lang kaya dinig ko.

Nag thumbs up lang ako sakanya, tsaka ko kinuha yung cellphone ko sa desk.

Naalala ko na nakaoff nga pala cp ko...

Inantay ko magbukas nang ilang segundo, 16 missed calls from Blessie, 21 missed calls from Danica and 40 misscalls from Leanne.

Broken PromisesWhere stories live. Discover now