Chapter Eighteen

11 1 0
                                    

Justin's pov

Nasa second floor na kami at inaantay na lang na lumapag ang elevator sa fourth floor.

*BOOGSH*

Sht! Biglang nanginig ang elevator na sinasakyan namin. Kingina anong nangyari?

Napasigaw si Khate sa gulat, bigla nalang kasi nag dilim ang paligid at tumigil ito sa pag andar.

Taena! Bawal kami mastranded dito ngayon, wag ngayon please.

Lord please.

"WAAAAAH! ANONG NANGYARI?" Sigaw ni Khate, na parang nagpapanic na.

"Kumalma ka lang muna, baka pede mong tawagan mga kaibigan mo para makahingi ng tulong sa guard?" Kita ko mukhang niya na nagpapanic kahit madilim dito.

Napasabunot siya sa sarili niyang buhok "Naiwan ko yung gamit ko sa locker ko, nandun sa bag ko yung cellphone ko aishhh, baka pede yung iyo?" Sht, bawal din yung phone ko low battery na eh.

"Low battery na yung cellphone ko eh" Napanguso naman siya at napasandal sa pader.

"Paano na yan? Stranded tayo dito, di ko alam kung hanggang anong oras at hindi ko din alam kung makakalabas pa ba tayo o ano" Nawawalan na siyang ng pagasa halata mo sa boses niya eh.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid, nagbabaka sakali na may makita akong paraan para makalabas kami dito.

Habang naghahanap ng possibleng makakatulog samin, may nakaagaw sa aking pansin natigil ang mata ko sa... CCTV?

Mukha naman okay pa, pero tae gumagana pa ba 'to? Sana naman oo.

"Hey! May tao ba diyan? Stranded kami dito, baka pede bang pumunta kayo dito at ayusin niyo?" Para na akong baliw dito kinakausap cctv habang kumakaway.

Mag mukha na akong baliw okay lang basta makalabas kami dito sa pesteng elevator na'to.

Hindi imposible na hindi kami makahinga kapag nag stay pa kami ng ilang oras dito, pedeng pede kami madehydrated kahit ano mang oras, kaya sht kailangan na talaga namin makaalis habang maaga pa.

"Hey!! May tao ba diyan, we fucking need your help!" Naiinis na ako wala pa ring rumeresponde.

"Justin, mapapagod ka lang kakasigaw diyan mabuti pa umupo ka nalang muna." Napabuntong hininga lang ako tsaka umupo.

"Mag-intay nalang tayo dito ng reresponde satin, ipagdasal nalang natin na sana may dumating" Sana nga Khate, sana talaga.

Umupo na lang ako sa katabi ni Khate, at di na umimik.

Magaantay na lang ba siguro kami dito? Ilang oras kaya? Maabutan pa kaya nila kami ng buhay?

Sht, I can't stop overthink.

"Justin, I'm scared na di na tayo makalabas dito. Sorry nadamay pa kita" Bulong ni Khate sakin.

Kahit san ka magpunta sasamahan kita.

"Shh, wag kang mag salita ng ganyan. Okay lang yun, I already told you I'm always here for you. I have one word so I'll prove it" Pag papakalma ko sakanya at isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko.

Just to make her calm. From now on I'll be here for you Khate.

Broken PromisesWhere stories live. Discover now