Khate's pov
Kahapon sa sobrang overthink ko kung crush ko nga ba si Francis, inabot ako ng ilang oras.
Napuyat ako kakaisip, kaya naman late na akong nagising ngayon. Lintek!
Pero.. ang resulta nga nang pagooverthink ko ay, crush ko nga siya mga 50% lang naman hehez.
6:58 na ngayon at ang pasok ko ay 7:00 am, jusme 2 minutes na lang late na ako.
Mag papahatid pa ako kay Manong, baka 7:20 na ako makadating, lagot ako kay Sir Hernan terror pa naman yon.
Hala jusko! Lord ikaw na bahala sakin huhu.
"Manong bilisan mo magdrive hala lagot late na ako" Sabi ko kay Manong.
"Okay po miss Khate" Sagot naman niya, at mabilis na nagdrive.
Hala jusme 'tong si manong akala ko lilipad na kami sa sobrang bilis eh.
Sa sobrang bilis niya napahinto ang sasakyan, Lord! Bat ngayon pa huhu.
"Manong anyare?" Nagtataka kong tanong sakanya.
"Sorry, miss Khate nasiraan po tayo" Sagot niya na umiiling pa.
"Hala manong sige, magtataxi nalang ako" Sabi ko sakanya at mabilis na nag abang nang taxi.
Nakng! Bakit walang taxing dumadaan! Huhuhuhuhuhu help me.
pitpit! May bumusina sa akin kaya napatalon ako sa gulat, sino ba kasi 'to!?
Binaba niya ang bintana ng kotse niya, agad bumungad sakin ang napakapoging si Francis hihi.
Hala sige ka Khate lumandi ka pa! Late ka na!
"Uy anong ginagawa mo diyan, bat di ka pa pumapasok?" Tanong niya sakin na parang nagtataka.
"A-ah kasi ahm, nasiraan kami ng sasakyan kaya nagaabang ako ng taxi" Nahihiya kong sagot sakanya.
"Ganun ba? Ah sabay ka na sakin" Yaya niya sakin.
"A-ay? Talaga? Sige l-late na din kasi ako eh" Nahihiya kong sagot sakanya at agad na pumasok sa front sit.
Putek!! Kalapit ko si crush, how to calm?
"Late ka din? Late na din ako, baka second subject na ako makapasok" He said.
"Ah! Kaya nga eh, baka ako din. Kaso terror yung first sub namin si Sir Hernan? Baka nga maoffice pa ako" Sagot ko.
"Oo nga no? Ay nandito na pala tayo" He said tsaka nagpark sa parking lot.
"A-ah sige Francis una na ako ha? Salamat ng marami" labyuu hehe, tsaka ako mabilis na pumasok sa gate deretso sa room.
Kumatok muna ako bago pumasok.
"S-sorry Miss Alyssa" nakayuko kong sabi sakanya.
"Miss Khate, why are you late?" Tanong niya, na ikinakaba ko.
"A-ah s-sorry po, kasi po ahm. Nasiraan po kami" Sagot ko na nauutal pa lintek.
"Go to the office now!" Galit na sabi niya, lintek na yan!
Agad agad akong naglakad papuntang principal office.
Lakad takbo na ang ginawa ko para mabilis, lintek kasi.
Bwisit! 3rd floor pa nga pala yung principal office, nakakaasar naman eh!
Naglakad na lang ako ng naglakad hanggang sa makadating ako sa principial office. Thanks God!
YOU ARE READING
Broken Promises
AléatoireDon't promise if you'll break it. I have trust issues but I trusted you, because you promised that you'll never do the same.