Chapter 9: The Consequence of Zion

3 0 0
                                    

Zion's POV'S

Hayysssttt! Walang hiya talaga ang babaeng yun ah! Ayw nya talagang pumayag? Paano na lng yung ipapakilala ko kina Mommy at Daddy? Na aalala ko naman yung Sandra.

Flashback

"Sandra please naman pumayag ka ng ipakilala kita sa aking mga magulang oh. "

"Ano? Ipapakilala moko? Bakit naging tayo ba ha? Zion? Pinapaasa mo na naman ako!? Tapos aasa ako na magkaroon ng ikaw at ako? Ganun ba yun Zion? "

"H-hindi naman sa ganun San. Oo hindi naging tayo. Pero gusto ko lng naman na mag panggap ka na girlfriend ko Sandra eh. Alam mo naman sila Mommy hindi ba? Ipapa date lng ako nun sa mga hindi ko kilala. Kaya ikaw na lng yung pag-asa ko."

"No way! Magpapanggap?!  Ayoko ng ganyan Zion! At ayokong magpanggap na mahal natin ang isa't isa kasi ang totoo naman hindi ba kahit kailan hindi mo ako matutunang mahalin? Sabi mo nga yun eh. Ayoko na Zion sawang-sawa na ako. Maghanap ka na lng ng iba na maipapanggap mo sa iyong mga magulang. "

Pinipilit ko namang mahalin si Sandra eh kaso hindi ko talaga maramdaman kaya nung mga panahong habol sya ng habol sa akin naiirita na nga ako sa kanya nung mga panahong yun eh. At nasabihan ko sya ng mga salitang hindi ka aya-aya pero hindi pa din sya tumigil sa akin kaya sinabihan ko na lng sya ng ang pagmamahal ko sa kanya ay bilang kaibigan lng at humiling naman sya na kung pwede ko ba syang maging matalik na kaibigan syempre sabi ko oo para tigilan na nya ako. Kaya nga ako tinutukso nung mga ugok kung kaibigan na syota ko daw yung si Sandra kadiri talaga!

At tsaka yung babae kanina yung si Tamara Villafuerte parang ka apelyido yun ni Ivan. Hindi parang magka apelyido talaga. May relasyon ba sila? Yung magkapatid or Magka mag-anak? Tatanungin ko na lang yung si Ivan bukas kesa namang mabaliw ako sa kakaisip kung ka ano-ano ba sila ng Tamara'ng yun. At sana talaga pumayag na yung Gaga na yun na maging syota ko. Pa choosy pa kasi pa lalaki lalaki ng pormahan pero bibigay din yan sa akin Hahahaha.....

Humiga na ako sa aking kama kasi nakakapagod ang byahe papunta sa bahay. Hindi ko na nga lang iisipin yung nangyari kanina ma bwebwesit lng ako. Makapagpahinga na nga.

Tamara's POV

"Ma, Pa, ate, Kuya. Nandito na ang pinaka gwapo nyong anak. " sakto namang kumakain na sila kaya pumunta na lng din ako sa kanila.

"Gwapong anak! Eh ako ang mas gwapo dito eh! " gwapo? Eh unggoy ka nga eh!

"Tsssss.  Yabang unggoy naman. " issshhh trueee

"Mama oh si Baby Sister " sumbungero.
Batukan kita jan eh!

"Tumigil na nga kayong dalawa jan! Oh Tamara kain na. " wika ni papa. Basta't si papa talaga yung magsasalita tatahimik talaga agad kami kasi baka magalit ang Dragon.

"Oh bunso bakit pawis na pawis ka? " pagbabasag ni ate ng katahimikan.

"Eh kasi ate nag basketball nga kami nila Pj diba? " si ate talaga matanda na.

"Ayy oo nga pala. " oh ayan kita mo na?

"Bakit hindi na lang kayo maglaro ni Ivan? At bakit kapa talaga sumasama dun sa mga pinsan mo? Na mga adik sa OG? Baka mahawa ka na nyan. " sabi ulit ni ate. (OG means Online Games)

"Nako? Yan si Kuya? Eh hindi nga marunong maligo yan ate eh nag basketball pa kaya? " kumunot naman agad ang noo ni kuya haha.. Halatang naiinis.

"Huy! Ikaw talagang bata ka ah! Sumosobra kana ah!? Wala kang galang sa mas nakaka gwa-"

"Gwapo sayo? Eh mas gwapo pa ako sayo eh. " pagmamayabang ko. Tumawa naman silang lahat sa akin. Kahit kelan talaga oh kapag sinasabi kung Gwapo ako tumatawa lahat sila eh ano naman kesa sa sabihin kung maganda ako kadiri lng yun!

Pagkatapos kung kumain ay nag toothbrush na agad ako at tsaka matutulog na din.

-

Ms. Boyish Meet's Mr. HearthrobWhere stories live. Discover now