Tamara's POV'S
Cont.
Hindi ako makagalaw. Pati ang pagtibok ng aking puso ay naririnig ko na.
Dubdubdubdub........
Bogshhh......
Sinuntok ko ang muka nito kaya naman nagka hiwalay ang aming mga labi at buti naman!
"Aray! " wika nito na hawak hawak ang kanyang mukha.
"Ano bang problema mo ha!? " sasagot pa sana siya ng bigla na lang akong tumakbo palayo sa kanya.
Ano bang problema nun!? At tsaka ang First kiss ko! Puta! Nakuha niya ibibigay ko sana yun sa masuwerteng babae! Kaso nakuha niya tanginaaaa! My Virgin Lips! Arghhhhh!
Papasok na sana ako sa loob ng room ng may bigla tumawag sa cellphone ko.
Galing sa 091295*****
Agad naman akong kinabahan.
"H-hello? " na uutal pa talaga ako puta!
"You want to hear your Brother's Voice? " sabi nito.
"Huh? Sino ka ba!? " tanong ko dito.
Hindi ito sumagot at may narinig akong mga tinig at hindi nga nagkakamali yung isip ko dahil sa alam na alam kuna ang tinig na iyon.
"K-kuya!? "
"Buti naman nahulaan mo Tamara. You want to see your Brother? " wag mong sabihing nasa kanila si kuya!?
Natatandaan ko nung isang araw pa wala si kuya sa bahay at Oo tama nga ang kutob ko nasa kanila si kuya shit!
"Pakawalan niyo yung kapatid ko! Fuck you bastard! " nanginginig na ako sa galit dito saktan na lang nila ako wag lang yung mga mahal ko sa buhay hinding hindi ko kayo mapapatawad!
"Oppsss.. Not now. " sasagot pa sana ako ng pinutol na niya yung tawag.
San ko ba makikita ang kuya ko? Wala naman akong alam sa mga ginagawa niya dito kaka transfer ko pa lang eh! May gulo na naman akong papasukin.
Puntahan ko na lang kaya yung kaibigan ni kuya na si Joshua? Siguro naman alam niya kung ano ang ginagawa ni kuya nung wala pa ako dito.
Andito ako ngayon sa Mini Forest at hinahanap ko yung Joshua na kaibigan ni kuya at ang swerte ko naman nakita ko agad sya. At kasama niya pa si Zion. Tangina naman oh! Wrong timing eh! Aalis na nga lang ako
"Hey! " nilingun ko naman yung sinong tumawag sa akin at ang bwesit yung mokong na Zion.
Hindi ko na lang siya pinansin at lumapit ako kay Joshua.
"Joshua? " tawag ko dito.
"Bakit? Hmmm.. ikaw yung kapatid ni Ivan diba? " tanong niya.
"Ahh Oo. May itatanong lang kasi ako eh. Yun kung okay lang sayo. " wika ko.
"Ano naman ang itatanong mo? Ms. Villafuerte? " aba't ang Zion sumabat pa talaga.
"Shut up. Hindi ikaw yung kinaka-usap ko! "
"Oh uh. Magkakaroon ba ulit ng world war dito? " sabi ni Joshua. Kung nanaisin ko magkakaroon talaga!
"Shut up! " nagsabay pa talaga kami ha? Putcha! Gayang gaya eh!
Aalis na nga lang ako dito wala din naman akong makukuhang impormasyon. Hindi ko talaga maiwasan na mag alala kay Kuya baka kung ano ng nangyari sa kanya at ako na kapatid niya walang ginawa para iligtas siya. Hayyyy!
Naglakad ako palayo sa dalawang yun. At ang Zion sumunod din sa akin. Kahit kelan talaga oh!
"Pwede ba wag mokong sundan bwesit! " sabi ko sa kanya.
"Alam ko kung anong kailangan mo. " wika niya. "Kailangan mo ng impormasyon na tungkol sa kuya mo right? " sabi ulit niya.
nabigyan naman ako ng kasiglahan sa pagkadinig ko ng mga katagang iyon."Oo kailangang kailangan ko. " gusto ko ng makita si kuya.
"Then lets make a deal? " deal? Ano namang deal?
"Ano naman ang kapalit kung makikipag deal ako sayo? "
"Mga impormasyon at tutulungan kitang makuha ang kuya mo sa kanila. " Kanila? So it means kilala niya yung dumokot ky kuya? Bakit hindi man lang niya iniligtas si kuya? Akala ko ba kaibigan nya. Ang magkakaibigan hindi dapat nag-iiwanan.
"At ano naman ang ipapagawa mo sa akin ha? " ngumisi ito sa akin ng napakalapad at ako naman iniisip kung ano yun.
"Yung gagawin mo ay magpanggap ka na Girlfriend ko. Ano deal? " nanlaki naman ang mata ko pagkatapos na marinig iyon. Ano daw? Girlfriend na naman?!
"No way! Never! "
"Then ikaw ang bahala mamatay ang kuya mo sa kamay nila gusto mo ba yun? " arghhh naman oh! Ayoko namang mamatay yung kuya ko nuh! Grrrrrrrr....
"Okay fine! Basta ay pagpapanggap lang! " no choice Tamara no Choice bwesit!
Nilahad naman niya yung kamay niya sa akin at sinabing....
"Deal? " eto naman si ako nakikipag kamay din bwesit! Balian ko kaya ng buto tuh?
"Deal! Kahit na labag sa kalooban ko! " wala akong pakialam kung ano ang mangyayari sa akin basta't ang mahalaga ay makita kuna ulit si kuya at masiguradong ligtas siya.
"Magkita na lang tayo sa parking lot mamaya at dun ko sasabihin ang mga nalalaman ko. See you later Girlfriend. " wika nito na naka ngisi pa at umalis na.
No choice no choice! Basta pagkatapos na mailigtas namin si kuya ay hindi na ako makiki pag deal sa kanya bahala siya!
YOU ARE READING
Ms. Boyish Meet's Mr. Hearthrob
Teen FictionAng kwentong ito ay hindi hango sa totoong buhay ang anumang pagkakahawig sa mga ibang kwento ay hindi sinasadya at nagkataon lamang. Naglalaman din ito nga mga hindi ka aya-ayang mga salita kaya pag pasensyahan nyo na. At wala akong paki kung mag...