Tamara's POV'S
As usual gigising ng maaga kakain tapos punta ng school para hindi ma late para hindi malista sa log book hayy buhay! Buti nga hindi ako na late ngayon. Kasi nako maka tikim na naman yung shukoy na Peace Officer teka? Bakit ko ba naiisip ang mokong na yun? Erase Erase Erase!!!!
At ang pinaka mabuti pa ay wala yung mga maiingay na mga babae na nagtitilian sa mga Campus Hearthrob daw kuno. Napasali pa talaga yung kuya ko dun ah? Eh mukha ngang unggoy yun eh! Hindi talaga sila marunong maghanap. Dapat yung mga astig at tsaka gwapo gaya ko diba? HAHAHAHA.
"Uyy boss! " bwesit nang gugulat pa ang mga tuh eh!
"Ano ba! Bakit ba kayo nanggugulat ha!? " tangina ng mga tuh eh libing ko kaya kayo ng buhay?
"Uyy boss relax lng relax. " relax nyo yang mukha nyo!
"Bahala na nga kayo dyan! " lumayo naman ako sa mga gunggong na yun nakaka sira ng araw eh! Ang ganda ganda ng gising ko tapos bwebwesitin ako ng mga yun! Ewan ko ba kung bakit naging kaibigan ko ang mga yun eh sa pagkakatanda ko lumapit sila sa akin nung isang araw kung pwede ba dw akong maging kaibigan eh ano paba sasabihin ko? Sasabihin ko hindi? Eh hindi naman ako ganung klaseng tao mabait kaya ako. Mabait na gwapo pa! Hindi nga lang matalino eh sa bad boy ako eh!
Naglakad lakad muna ako dito sa campus pero hindi na naka yuko baka kasi may mabangga na naman ako tapos ma bad trip pa yung araw ko! At sirang sira na talaga yung araw ko nakita ko si Mr. PO bwesit!
Naglakad ako palayo dun sa pating na Mr. Zion Sandoval eh kasi mangungulit na naman yun na maging syota daw ako nahihibang ata sya eh! Oh pinag titripan nya lang ako.
"Hi Ms. Tamara beautiful " bwesit! Nakita pa talaga ako oh!
Imbis na sagutin ko sya naglakad na lng ako palayo sa kanda. Nako jusqooo ilayo nyo po sa akin yang lalaking yan! At tsaka sinusundan pa talaga ako ah!? Away na naman ba yung gusto nya!?
"Uy! Tamara hintay naman. " bahala ka jan! Di tayo close ulol! Suntukin kita jan!
"yung deal natin na maging Girlfriend ka Tamara. " hano dw? Deal? Tangina nya ah!"Shut up. Jerk! " naiirita na talaga ako sa kanya Grrrr.. At ang gago sunod pa ng sunod sa akin. "Pwede ba tigilan mo na nga ako Mr.Sandoval wala tayong deal at kahit kelan hindi ako magiging girlfriend mo! Syotain mo na lng yung pusa ng kapitbahay namin bsta't wag lang ako! "
"Eh sa ayoko ng pusa ng kapitbahay nyo eh. Mas gusto ko ikaw. Hehehe " tangina ka naman talagang gago ka oh!
"Ipapaalala ko lang sayo magkaparehas tayo ng puso bro! "
"Ano? Magkapareha tayo ng puso? So it means kapatid kita? " bobo talaga oh!
"Huy! Mr. Jologs bobo ka talaga eh nuh? Ang ibig kung sabihin pusong lalaki ako! Ano gets!? " bakit nga ba sya naging PO dito kung bobo naman?
"Eh may va-" shut up.
"Yes meron ako nyan! Pero hindi ko yun tanggap! " ewan ko ba kung pinarusahan ako ng maykapal na mas gusto kubg maging lalaki eh ang ibinigay naman sa akin na katawan pang babae. Hindi siguro focus na focus sila sa paggawa ko si mama at papa sa akin. "Oo physically babae ako! Pero yung puso ko panglalaki kaya kung may gusto ka sa akin itigil muna yan bro! Pareho tayo ng gusto! Babae sayo at babae din yung gusto ko! " hindi ko alam kung bakit naiiyak ako.
"S-sorry. Eh gusto lang naman kasi kitang mag panggap na Girlfriend ko Tamara. " tigas talaga ng ulo eh nuh? Ganito na ba yung Society ngayun?
Wala akong ibang magawa kundi tumakbo na lang kasi naman umiiyak na ako at ayokong makita nila yun na mahina ako sa tuwing tinutukso nila ako ayon sa kasarian ko.
YOU ARE READING
Ms. Boyish Meet's Mr. Hearthrob
Teen FictionAng kwentong ito ay hindi hango sa totoong buhay ang anumang pagkakahawig sa mga ibang kwento ay hindi sinasadya at nagkataon lamang. Naglalaman din ito nga mga hindi ka aya-ayang mga salita kaya pag pasensyahan nyo na. At wala akong paki kung mag...