Chapter 13: First Kiss

3 0 0
                                    

Tamara's POV'S

Buti na lang nasabi ko kay ate yung saloobin ko kahapon yung ka oahan ko Hahaha. Natatawa pa din ako sa tuwing iniisip ko na ang drama ko pala kahapon yung tigasing si Tamara umiyak dahil lang sa Zion na yun haha. T-teka? Iniisip ko na naman ba sya? Nako lang ah! Erase Erase Erase!

Nasan na nga pala yung kuya ko? Kahapon pa kasi yun wala at hindi ko man lang sya nakita kahapon sa cafeteria ayy oo tama umuwi nga pala ako kahapon kasi dahil dun sa Zi-. WTF? Na iisip ko na naman sya? Jusmeyo!

Andito ako ngayon sa loob ng classrom namin at nakaka pagtaka nga eh wala yung dalawa kong tropa at yung mga kaibigan ko namang tomboy ayun hindi pumasok kasi may kasalanan sila kay Maam Principal kasi sino ba namang hindi magagalit? Pintahan ba naman ng pentelpen yung pader at ang mas malala pa yung mukha ni Maam Principal ang naka drawing at may sungay pa! Hahahahaha... Nakakatawa nga eh.

Dumating na lang yung prof. Naming siopao wala pa din yung mga ugok na si Charles At Angelo hayyssttt wala tuloy akong ka kwentuhan bad trip naman oh!

Walang ibang ginawa yung siopao na prof. Namin kundi mag discuss ng mag discuss at alam mo ba yung discussion nya? tungkol lang na naman sa putang CHEMISTRY na yan! Hindi na nagsawa mas maganda pa siguro yung about sa Ang Probinsyano na kung kailan mamamatay si Cardo! Mas maganda pa yun kesa sa CHEMISTRY sya ng CHEMISTRY! TH?

*Ringggggg....... *

Sa wakas naman nag bell na yuhooooo! Kainan time na!

Nandito ako ngayon sa cafeteria na kung saan wala gaanong mga studyante kasi siguro busy sila sa pag papractice ng mga Cheer Dance nila kasi meron daw kasing Liga ng mga Basketball players at sa panglalaki lang talaga. Eh pano naman kaming mga pusong lalaki iiwan na lang nila kami? Hindi nila kami papasalihin sa basketball na yan? Eh halata namang mas magaling kami kesa sa mga totoong lalaki para ngang bakla kung maglaro eh!

Uupo na sana ako ng may tumayo sa aking harapan at naka ngisi pa ang gago!

"Nagkakamali ka ata ng pinuntahang pwesto Ms. Tamara? " tinasan ko lang ito ng kilay at ang gago naka ngisi pa din.

"May nakatatak ba na sayo tong uupuan ko ha!? Wala naman diba!? "

"Tumayo ka at tingnan mo. " aba inutusan pa talaga ako ah?!

Tumayo naman ako at ang bwesit! May pangalan nga nya at ang nakalagay ay 'Zioniel Salvador Property' kaya pala walang umuupo dito kanina. Bwesit naman oh.

"Okay fine. " tumayo naman ako dun at iniwan ang dala kung pagkain tsaka naglakad palayo sa gagong Zion na yun!

At ang unggoy sinusundan pa talaga ako!
At agad naman itong lumapit sa akin at tutuloy pa sana ako sa paglalakad ng may sinabi siya.

"Kapag maka tatlong hakbang ka palayo sa akin hahalikan kita. At kapag tumakbo ka hahabulin kita at kapag mahabol na kita hindi na kita bibitawan pa. " nanlaki naman ang mata ko na buti ay naka talikod ako baka makita niya.

"Pinag-babantaan mo ba ako Mr.? " tanong ko dito.

"Hindi kita pinagbabantaan at hindi ko yun gagawin. Unless you will become my Girlfriend Tamara. " naramdaman ko naman na lumalapit ito sa akin kaya ako naman kinakabahan.

Dubdubdubdub.....
Ano ba tong nararamdaman ko ang weird.

"Subukan mong lumapit makakatulog ka ng ilang araw at tsaka Girlfriend!? Seriously? Hahaha. Nahihibang kana bro! " pagbabanta ko. Naku lang kapag lumapit ka talaga jojombagin talaga kita.

"Mark my words Tamara. " sabi nito na humahalaklak pa.

"Try me Mr. Sandoval" paghahamon ko dito.

"Ah ganun. " naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa aking kamay at hinila niya ako papunta sa kanya at......

Tsupppp.......

Hinalikan niya ko!?

Ms. Boyish Meet's Mr. HearthrobWhere stories live. Discover now