Chapter 11: Comfort and Advice

3 0 0
                                    

Tamara's POV'S

Nandito ako ngayon sa isang sulok ng Comforst Room sa paaralang ito. Ewan ko ba kung bakit ako umiiyak eh sa pagkaka alam ko hindi ako basta basta't umiiyak ng walang dahilan pero yung pagkakasabi kasi nubg Zion na yun parang hinuhusgahan na niya yung pagkatao ko yung hindi nila tanggap kung ano man ako o sa kung sino man talaga ako at kung ano yung aking kasarian.

Madami namang babae jan eh! At mas babae pa talagang mag-ayos sa akin. Pero ang sakit talaga eh!
Wala akong ibang magawa kundi humagolgol sa pag-iyak baka naman kasi mabawas-mabawasan yung pagka dissapointed ko sa araw ngayon. Bahala na kung hindi ako maka pasok sa mga subjects masama pakiramdam ko uuwi na lng siguro ako para masabi ko kay ate yung mga saloobin ko.

"Ma-ma para! " hayssttt! Buset naman to eh! Hindi ako narinig buset na mga taxi driver! Wala ako sa mood ngayon maglakad mga tangina!

"Ma-ma para! " hayyssttt sa wakas makaka sakay na din ako.

"San ang punta mo hija? " sa lugar na malayo kuya yung malayong malayo.

"Sa Malapit po na subdivision manong. " agad namang pina andar ni manong driver ang kanyang sasakyan at agad naman kaming naka rating sa bahay.

"Eto po manong oh bayad. " binigyan ko ng 100 pesos si manong.

"Hija. Sukli mo oh" hindi ko naman kinuha yung sukli ky manong kasi na awa ako kay manong.

"Keep the change na lng po manong. " tumango naman agad si manong at umalis na.

Hayssttt pambihirang araw naman tuh oh! Pumasok na ako sa loob ng bahay namin pero wala akong ibang nadatnan kundi si Yaya Martha lng.

"Yaya? Asan po sila Mama? " tanong ko dito.

"Nako Hija. Umalis yung Mama at Papa mo kanina may business trip daw sila sa Macao at siguro sa susunod na buwan pa raw yun uuwi. " Hayssttt mama naman kung kailan kailangan ko kayo saka pa kaayo umalis.

"Ahh.. Okay po Yaya. eh si ate po nandyan po ba? "

"Ayy oo Hija nandyan sa Kwarto nya." yehey buti naman!

Pumunta naman agad ako sa kwarto ni ate at nadatnan ko ito na nag-aayos ng kanyang mga gamit at damit. Naku baka may ipapasukat na naman tuh sa akin nako lng! Wrong time ata ako eh. Maka alis na nga.

"Oh Tamara nandyan ka pala. " naku naman oh nahalata pa talaga.

"Ahh wala po ate may sasabihin lang sana ako kaso may ginagawa ka eh aalis na lng ako. " pagrarason ko hehehe.

"Nako susss nagtatampo pa tong si bunso eh. Halika nga dito. " niyakap naman ako neto. Ang sweet talaga ng ate ko. Imbis na ang pag siga-siga ko ay hindi eepekto sa kanya haha
"Ano bang problema mo bunso? " tanong neto.

"Eh kasi ate.. Uhmm.. Masama bang maging ako ate? "

"Ano ba namang klaseng tanong yan bunso? " may pgka slow din tuh si ate eh nuh?

"I mean masama bang maging Boyish? Kagaya ko? " sa wakas na sabi ko na din.

"Bunso hindi naman masama ang maging boyish. Basta't tandaan mo lang na dapat mong maging ikaw. At kahit ano paman ang sabihin nila sayo ang mahalaga mas pinili mong maging ikaw. Kaya ikaw'ng bata ka wag ka ng malungkot ha? Nakaka bawas yan ng kagwapuhan diba? " ate naman eh! Hehehe

"Thank you ate. " napayakap agad ako ky pagkatapos kung mag thank you at ilang sandali pa ay hindi ko na mapigilang hindi ipikit ang aking mga mata dahil sa pagkanta ni ate ng Lullaby.

Ms. Boyish Meet's Mr. HearthrobWhere stories live. Discover now