Secretly Affair

5.4K 86 0
                                    

"Marry me."

Nanlaki ang mata ko sa biglang sinabi niya, kaya ba bigla niya na lang akong kinidnap sa opisina dahil dito?

"T-teka naman Sir. Eh nahihibang ka na po ba?"

Alam kong marami siyang babae at sa dinami dami ng babae bakit ako pa? Bukod sa hindi niya ako babae ay empleyado niya lang ako! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao d'ba?

"Hindi ako nababaliw Miss Albertina."

Nangunot ang noo ko, 'yun naman pala e! Saka hindi naman porque boss ko siya ay susundin ko ang gusto niya.

"Madami namang babae dyan Sir. Ibaba niyo na ako sa gilid."

Itinuro ko pa ang daan na walang tao, hindi ko nga alam kung nasaan na kami ngayon. Pero gusto ko ng lumabas at lumayo sa taong ito, nakakabaliw naman siya. Hindi naman siya ganito ah?.

"No, you'll suffer and your family if you refuse." Matigas niyang sabi na ikinatigil ko. Sandali, was he blackmailing me?

"Wala namang damayan ng pamilya Sir!" Taranta kong usal, hindi niya pwedeng idamay sila Mama dito. Mahirap lang kami at ang tanging trabaho ko lang ang bumubuhay sa amin.

"Then accept my proposal."

Napakagat ako ng labi, kapag pumayag ako hindi niya kami paghihirapin pero ano namang kahaharapin ko kapag pinakasalan ko siya?

"Proposal? N-nasaan ang singsing?"

Ngumisi siya sa sinabi ko, tinigil niya ang kotse sa gilid at biglang may inilabas na red velvet na kahon.

Nawindang ako ng makita ko ang singsing na may hindi kalakihang bato.

Napalunok na lang ako.

"Marry me."

Pag-uulit niya sa sinabi kanina, tumango na lang ako.

Bahala na kung ano ang kahaharapin ko dito, huwag lang madamay ang pamilya ko.

Secretly Affair [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon