Chapter One

3.7K 80 0
                                    

Isang taon ang lumipas simula nang masakal este makasal ako sa boss ko. Akala ko magiging madali lang ang buhay ko kasama ito pero mahirap pala. Lihim lang ang naging kasal namin sa mga tao sa paligid namin bukod sa pamilya at mga kaibigan niya. Alam din nila Mama at sa simula ay hindi sila pumayag na ilihim pero inintindi naman nila ang desisyon ng napangasawa ko, ang alam nila Mama na matagal na kaming may relasyon ni Sir kaya hindi ito tumutol sa madaliang kasal na naganap sa pagitan namin.

Pero alam naman ng publiko na ang sikat na young business tycoon ng bansa ay may asawa na pero hindi sinabi kung sino.

Ano ang dahilan bakit siya nagmadaling magpakasal?

Dahil 'yun sa Lola nitong nag-aagaw buhay noon, hiniling nito na makasal ito bago manlang ito mamatay kaya ayon. Pero sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa ngayon at sana ay mapatawad niya kami sa kasinungalingan naming mahal namin ang isa't isa noon.

Sa loob ng mahabang taon hindi ko napigilang mahulog dito, sa tuwing may mga gatherings ang pamilya nito ay puro sweet moments ang nangyayari sa amin kaya hindi ko na agad napigilan ang sarili ko. Hindi ko naman pinagsisisihan iyon dahil kahit papano naman ay maganda ang pakitungo niya sa akin at hindi naman ako nito sinasaktan. May mga pagkakataon na hindi maiwasang mag selos kapag may nalilink na babae dito kahit na alam naman ng publiko na may asawa ito.

"Kung ako ang asawa ni Sir hihiwalayan ko na 'yan! May asawa na siya tapos ano? Makikitang may kahalikang babae?"

Napalunok ako ng laway sa sinabi ng kaibigan ko, nandito kami ngayon sa canteen ng kumpanya at nagla-lunch.

"Oo nga, pero malabong ikaw ang maging asawa ni Sir 'no!"

Nang-aasar na saad ni Elena kay Karry na ngayon ay uusok na ata ang ilong sa sama ng tingin nito kay Elena. Hindi ko maiwasang matawa sa kanila.

"Kumain na nga lang tayo, hayaan niyo na lang sila."

Sa loob ko ay parang tinutusok ng maraming karayom ang puso ko dahil sa sinabi ng kaibigan ko. Tama ito, may nakakita sa asawa ko na may kahalikang babae sa kung saan at may litrato pa na ngayon ay kumakalat sa social media.
Gusto kong magalit pero ano bang karapatan ko di'ba? Asawa niya lang ako sa papel at kung may init man ito sa katawan ay hindi ko iyon masasabayan dahil wala iyon sa usapan pero kung kailangang ibandera ang bataan at isuko dito ay gagawin ko huwag lang itong maghanap ng iba.

"Ikaw ba Selene?" Umangat ang kilay ko sa tanong ni Karry ng biglaan, anong ako?

"Kung ikaw ang asawa ni Sir anong gagawin mo kapag nakita mong may kahalikan itong iba?"

Napakagat ako ng labi, sandali. Hindi ako ready sa tanong nito pero bakit bigla akong nanggigil?

"Papatayin ko ang babaeng kahalikan ng asawa ko."

Seryoso kong sabi habang gigil na gigil kong hawak ang tinidor sa kanan kong kamay, kapag talaga nakaharap ko ang babaeng 'yun! Nako hindi ako mangingimi na patayin iyon. Pero sandali, kaya ko ba?

Napailing na lamang ako sa aking isipan at nagtatakang tiningnan ang dalawa sa harapan ko. Mga nakatingin ito sa akin na parang mga nanghihinala.

Exaggerated ba ako masyado?

"Hehe?"

Nahihiyang itinuloy ko na lamang ang aking pagkain pero wala naman na akong narinig na komento mula sa kanila.
Natapos na't lahat ang pagkain namin ay wala pa ring naging imikan sa pagitan naming tatlo kaya binasag ko na ang katahimikang hindi gaanong nangyayari kapag magkakasama kaming tatlo.

"Tara na, working hours na."

Nag una na ako sa kanilang lisanin ang lugar na 'yun at pakiramdam ko na may pinag uusapan sila mula sa likod ko.

Strange.

Pinagpaliban ko na lamang ang mga ito at nagsakay na ng lift, hinayaan kong nakabukas ang elevator para hintayin ang dalawa kong kaibigan nang may pumasok na tao na hindi ko inaasahang makakasabay ko ngayong araw. Akala ko ay hindi ito makakapasok ngayon dahil meron itong late gatherings na pinuntahan kagabi, halos madaling araw na ito at iyon mismo ang panahon na nakuhanan ito ng larawan kasama ang ibang babae tapos alam niyo na.

"Good afternoon Sir."

Bahagya ko pa itong sinulyapan at hindi ko naiwasang mapangiti sa postura nito, alam kong puyat ito pero bakit ang fresh pa rin nitong tingnan?

Ang unfair talaga ng mundo 'no?

"Good afternoon. Nagkain ka na?"
Binalingan ako nito ng tingin kaya napatungo ako, bakit sa simpleng tanong niya lang na 'yun?

"Uhm O-Oo. Ikaw?"

Parang ang sarap hampasin ng sarili ko dahil sa pagka utal ko, ano ba naman? Siya lang 'yan! Gumising ka nga.

"Not yet."

Namuo naman ang pag-aalala ko dahil sa sagot niya. Kaya hinarap ko ito at tinanggal ang pagkailang na kanina kong nararamdaman.

"Ibibili---"

Napatigil ako sa pagsasalita dahil biglang pumasok ang kanina ko pang mga inaantay.
Shocks ang mga mukha nito dahil siguro hindi nila inaasahan na makikita nila akong nakahawak sa braso ni Sir habang nakaharap dito.

Goshh.

Pumasok na ang dalawa at doon na sumara ang pinto ng elevator.

Hindi naman ang mga ito nagsalita kaya inayos ko na lang ang pagtayo ko na parang walang nangyari. Baka isipin nila na nakikipag landian ako sa boss ng kumpanya.

Hanggang sa makarating kami sa fifth floor ay labas na kami nang wala pa ring nagaganap na pag-uusap.

Nagderetso ako sa cubicle ko at tumikhim para kunin ang atensyon ng dalawang nasa unahan ko ang mga cubicle.

"Kung ano man ang naki---"

Napatigil ako sa pagsasalita ng biglang humagalpak sa pagtawa ang dalawa na parang nakakatawa ang sinabi ko. Kumunot ang noo ko, baliw lang?

"You must seen your face darling, priceless!"

Sabi ni Karry nang maka recover sa pagtawa, okay??
So may plano pala silang lokohin ako ah?

"Ganon ah?" Pinilit kong magmukhang galit para iparating sa kanila na hindi nakakatuwa ang ginawa nila pero sa loob ko ay natutuwa ako, hindi sila nanghinala! Hindi nila binigyang malisya ang nakita nila kanina sa elevator.

"Hindi ka na mabiro 'no? Parang hindi tayo magkakaibigan ah." May tampong sabi naman ni Elena habang inginunguso pa ang kanyang labi, halos mangiwi ako sa nakita.

"Hindi bagay, huwag ka ngang mag pout."

Pangloloko dito pero sa huli ay napangiti na lang ako na parang baliw, dahil na rin siguro sa relief nang malaman kong wala silang ibang naisip sa nakita kanina.

"Kidding a side Selene? Bakit ang close mo kay Sir?"

Natigilan ako sa pagtanong ni Karry, akala ko hindi na nila iyon bubuksan dahil nga biniro na nila ako. Sobra akong kinakabahan, ayokong ilihim sa kanila ang meron kami ni Sir pero dahil nakapangako ako dito na ililihim namin ang nangyayari sa buhay namin ay pinipilit kong itikom ang aking bibig pero sa loob ko ay gustong gusto kong sabihin dahil hindi naman na iba sila sa akin.

"Na ano lang, na-- natapid kasi ako kaya napahawak ako kay S-Sir. 'Yun nga... Hehe."

Pagkatapos nang araw na 'yun ay hindi nawala sa isip ko ang mukha ng dalawang hindi kumbinsido sa paliwanag ko.


------------------------------#--------------------------------

Secretly Affair [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon