Chapter Eighteen

2K 49 3
                                    

Sa nakalipas na araw ay papalapit na ang araw ng anniversary at iyon ay mamaya ng gabi, kinakabahan ako sa totoo lang dahil haharapin ko na ang tunay na mundo ni Charles. Tatanggapin ko ang panghuhusga ng ilan, pero mas pagtutuunan ko ang suporta na aking matatanggap mula sa iba.

Ilang oras na lang ang paghahanda para sa aking sarili, dumating na rin kanina lang ang binili ni Charles sa akin na gown.
I actually like it pero mukhang mahal kaya naman nagtalo pa kami ni Charles kanina tungkol doon, pwede naman kasi sa akin na simple lang.

It's a red tube gown, maalon ang palda nito pero ang taas nito ay fitted talaga sa aking katawan.
Nangingintab din iyon dahil sa mga bids na parang diamonds, iyong mga bids na 'yun ang binasehan ko para masabing mahal iyon.

Pinaresan rin ng mga three inches high heels na kulay red din.

"Paparating na ang make up artist slash hair stylist na mag-aayos sa'yo, are you nervous?" Pumasok ang Mommy ni Charles para sabihin iyon, naupo ito sa kama kung saan ako kasalukuyang nakaupo.

"Medyo po, hindi po maiiwasan."

Ganun naman talaga siguro. Pero kakayanin sa kabila ng kaba.

"Mawawala din 'yan sa oras na ma-announce na ni Charles personally."

Tumango ako at nagpasalamat sa ginang, pinapagaan talaga nito ang loob ko.

"Oo nga po pala Ma, nasaan po sila Mama?"

Pagtutukoy ko sa mga magulang ko, nag abala pa talaga kasi sila Mama, Papa at mga kapatid ko para pumunta dito sa Manila para dumalo ng anniversary  ng kumpanya.

"Nasa hotel sila, doon na sila para hindi na nila kailangang magbyahe."

Nalaman ko na lang kasi na dumating sila Mama nung sabihin ni Charles na pinasundo niya ang mga ito.

Kaso walang sinabi si Charles kung nasaan sila Mama, malalaman ko rin naman daw mamaya. Tapos umalis na ito para daw makapag handa na ako para mamaya.

"Hindi pa po ba kayo magpapa ayos?"

Kagaya ko kasi ay hindi pa rin ito naka ayos, parehas kaming naka robe at ni isang ayos sa mukha ay wala pa.

"Padating na rin ang mag-aayos sa akin. Pinuntahan lang talaga kita dito."

Nagpasalamat ako sa ginang, nag-abala pa talaga itong puntahan ako dito sa silid namin ni Charles.

"Palagi ka na lang nagpapasalamat sa akin. Ako nga dapat ang magpasalamat sa'yo."

Kinuha ng ginang ang dalawa kong kamay at hinawakan iyon.

"Binago mo ang anak ko, Selene. Binigyan mo ng kulay ang mundo ni Richard, noon, sobrang galit nito sa mundo. Akala namin, hindi na muling magbabalik ang nakagisnan kong anak. Pero nung dumating ka sa buhay niya,  nagbalik siya, kaya salamat."

Naluluha ang ginang habang nagsasalita, pagkatapos ay niyakap ako nito ng mahigpit. 

Hindi ko na rin naiwasang maluha dahil ramdam na ramdam ko ang pasasalamat nito sa akin.

"Mahal ko po ang anak niyo, gagawin ko ang lahat mapasaya lang siya."

Mahina kong sabi ngunit sapat na para marinig ako nito.

"Salamat ulit."

Lumipas ang sandali ay dumating na nga ang stylist na mag-aayos sa akin. All in one na ito dahil siya na ang hair stylist at make up stylist ko.

Babae ito, maganda at magaan ang awra nang pumasok ito sa silid kung nasaan ako.

"Hi I'm Jai." Nakipag kamay ito sa akin.

Secretly Affair [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon