Thirty

2K 44 0
                                    

Hindi na ako hihiling pa ng kahit ano, halos lahat ng gusto ko at magpapasaya sa akin ay nasa akin na. Mayroon akong buo at masayang pamilya, at wala na talaga akong mahihiling pa.

Sa paglipas ng mga panahon ay mas tumitibay ang samahan namin ni Charles, kasama ang tatlo naming mga anak. Nathalie's now 10 years old, sinundan ng baby girl namin na si Charis, na ngayon ay 6 years old at ang aming bunso na si Chiana, na 4 years old.

Sobrang saya ko kasi mayroon kaming tatlong maria, hindi maipagkakailang tinotoo ni Charles na hindi sya titigil hangga't walang lalaki ang kaso, kailangan naming hindi na muna masundan ang bunso namin dahil naging delikado ang aking panganganak kay Chiana, nag fifty-fifty ang lagay namin ng anak ko, si Chiana lang kasi ang anak namin na kailangang i-CS dahil sa hindi normal na laki nito para sa isang baby.

At nahirapan talaga akong mag delivery noon but thankfully, buhay kaming dalawa, kaya naman may tatlo na kaming Maria.

Masaya akong house wife ni Charles, kahit na hindi ko na magamit ang natapos kong degree dahil kay Charles na ayaw na akong pagtrabahuhin ay pakiramdam ko naman na kontento na ako.

Masarap sa pakiramdam na kontento ako sa mga bagay, lalo na sa pamilya ko.

"Papa!"

Napalingon ako sa biglaang pagsigaw ng tatlo, nakita ko ang papalapit na si Charles, nakangiti nitong sinalubong ang aming mga anak.

Nakaramdam naman ako ng gaan ng pakiramdam, ilang araw rin kasing hindi umuwi si Charles dahil sa isang business trip nito sa Tagaytay.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko dito sa may sofa at nakisalubong na rin, mas lumaki ang ngiti ni Charles nang mapansin akong papalapit sa kanila.

Nang makalapit ako ay agad ako nitong hinalikan sa labi.

"God, I miss you so much."

Hinalikan muli ako nito sa pangalawang beses, natagalan pa nga ngunit naputol lang ang aming mga labi ng makarinig kami ng bungisngisan.

Nakita lang naman namin ang mga bata na parang kinikilig sa kanilang mga pwesto habang nakatingin sa amin.

"Kayo talaga." Natatawa kong sabi sa mga ito.
Tumawa rin naman si Charles at pinagbigyan ang bunso namin na nagpapakarga rito.

"Love you Papa! I missed you so much... I mean we missed you so much." Then Chiana kissed her daddy all over his face.

Chiana, being the sweetest among them. Kung noon ay sweet na si Nathalie sa kanyang ama, mas sweet itong si Chiana saka habang lumalaki ang panganay namin ay nababawasan ang pagiging showy and clingy nito sa ama, na sinalo naman ng bunso namin.

Si Charis naman ay may pagka masungit na hindi maintindihan, sweet minsan but most of the time, napaka sungit nito.

Nag deretso kami sa may kusina dahil nagugutom na daw si Charles dahil wala daw syang kain mula pa kaninang umaga, hapon na ngayon kaya panigiradong gutom na gutom ang aking asawa.

"Enough kids, Papa's eating."

Pagsusuway ko sa tatlo, they kept on bugging their father about pasalubong. Na nginingitian lang naman ni Charles kaya naman hindi matigil ang tatlo sa pangungulit.

"I'll show you later, may I eat properly my babies??"

Natawa ako dahil sa sinabi ni Charles, nakulitan na rin siguro. Ayan, mag aanak anak ka ng tatlo, triple kulit tuloy.

"Yes!! I hope it's an artbook!" Magiliw na sabi ng bunso namin na sobra ang hilig sa pagpipinta, pagkukulay at kung ano ano pa na kay kinalaman sa arts.

Secretly Affair [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon