Chapter Nineteen

1.9K 50 3
                                    

"Selene! Selene! Wake up!"

Nagising ako sa boses na pamilyar sa akin, napabangon ako at nag-uumiyak.

"Hey Hon?"

Napatingin ako kay Charles, nag-aalala ang mukha nito sa aking nakatingin. Panaginip lang ba 'yun? Parang totoo ang nangyari, walang halong pangloloko pero everything is like real.

Patuloy ako sa pag-iyak, naiisip ko kung ano ang napanaginipan ko. Inisip ko kung ano ang nangyari sa nagdaang gabi, inisip ko ng inisip kung nangyari nga ba 'yun.

Pero pumapasok ang lahat ng nangyari sa panaginip ko. Ang pagpunta namin sa anniversary, ang makita kong buo ang pamilya ko, makasama ang pamilya ni Charles at ang ipakilala ako ni Charles sa lahat. Pero ang mas nagpaiyak sa akin ay ang pagpatay ng lahat ng mga ilaw at ang biglaang pagplay ng isang video, kahit na sound lang 'yun ay background nito ay puti.

At ang mga sinabi ng mga tao na nadoon, na ang lahat ng ito ay pawang peke lang.

"Hey, stop crying."

Naramdaman ko ang pagyakap ni Charles sa akin at ang patuloy nitong pagpapatahan sa akin pero hindi ako natinag, patuloy pa rin ang pag-iyak ko.

"What happen? Tell me please, you'll make me nuts!"

Bakas na bakas sa boses ni Charles ang pag-aalala sa akin, sino ba namang hindi? May biglang umiyak sa harapan mo tapos hindi mo alam ang dahilan tapos hindi mo pa mapatahan.

Nagsigok ako, at pinilit pigilan ang paghikbi ko, nagpahid ako ng mukha na agad namang tinulungan ni Charles sa pagpapahid ng pisngi ko.

"I'll get you water. Wait me here."

Nagmamadali itong lumabas at wala pang ilang minuto ay humahangos itong pumasok sa silid namin at ibinigay sa akin ang baso na naglalaman ng tubig.

Agad ko iyong ininom, dahilan rin para tumigil ako sa paghikbi.

"Tell me, what happen?"

Tiningnan ko ito sa mata, naisip ko kung magagawa ba iyon sa akin ni Charles.

Sa mga ipinakita sa akin ni Charles, ang pagmamahal nito ay nararamdaman ko tuwing nakatingin siya sa akin, napakalabong mangyari na ganun ang nangyari. Mahal niya ako, hindi niya magagawa sa akin ang bagay na iyon.

Naramdaman ko ang pagpahid nito sa pisngi ko, hindi ko namalayan na may pumapatak na naman palang luha sa aking mata.

"What happen last night?"

Pinilit kong huwag mautal, at pinilit kong magtanong.

Napakunot ang noo ko nang makita ko ang pagguhit ng guilt sa mata nito pero may pagtataka iyon.

"T-the party was fun."

Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin niya iyon, panaginip nga. Everything was just a dream!

"I'm sorry if I cried, I-i just had a nightmare."

Tumango ito na parang nauunawaan ang kung anong ipinaparating ko.

"But I don't remember anything last night...."

'Yun ang ipinagtataka ko, kung masaya ang naganap na anniversary kagabi, matatandaan ko 'yun. Lalo na't pinakilala ako ni Charles sa lahat.

"Y-you got drunk. I think that's the reason why you forgot but it's okay."

Napa kunot ako ng noo, kaya pala medyo sumasakit rin ang ulo ko habang umiiyak ako.

"Let's eat?" Pag-aaya naman nito kaya tumango ako. Pagkatayo ko ay napansin ko ang suot kong damit, it's Charles' clothes. Does it mean he changed me.

Secretly Affair [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon