Chapter Seven

2.1K 58 1
                                    

Pakiramdam ko ay hinang hina ang katawan ko, hindi ko inaasahang magagawa niya akong pag samantalahan. Oo mag-asawa kami pero sapat ba na ganunin niya ako?

Bakit ba niya ako kinokontrol?

Parang hindi nauubos ang tubig ko sa katawan dahil sunod sunod pa rin ang pag-agos ng luha ko.
Walang katapusang pag-agos na parang gusto ko na lang na mamatay.

Binaboy niya ako..

At nasasaktan ako sa katotohanang kaya niya nga akong saktan.

"Selene, bumangon ka dyan para kumain."

Naramdaman ko ang pag lubog ng kama sa gilid ko pero nanatili pa rin akong nakapikit. Ayoko siyang makita.

"Hon, please. Don't make this hard for me."

Ano bang pinagsasasabi niya? Siya ang may dahilan kung bakit ako nagkakaganito tapos aasta siya na parang ako pa ang masama dito?

Lumipas ang sandali na akala ko ay aalis na siya pero naramdaman ko ang biglang pag alis ng kumot sa katawan ko kaya napamulat ako.

Hinawakan niya ang braso ko para sana paupuin ako pero nagmatigas ako. Parang may kumislot sa katawan ko ng maramdaman ko ang haplos niya.

Patuloy pa rin sa pag-uunahan ang mga luha ko, mas lumala pa ang kislot sa puso ko.

"B-bitawan mo ako."

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito, hindi ba pwedeng umalis na lang siya?

"Selene." Pinilit nito akong itayo hanggang sa magtagumpay ito dahil hinang hina na talaga ako. Mula pa kanina ay hindi ako kumakain.

Malambot ang ekspresyon nito, siguro ay naaawa siya dahil sa kung ano ang kinalabasan ng kababuyan niyang ginawa.

"Baby.."

Hinaplos niya ang basa kong pisngi para tanggaling ang luha ko.

"Please, just this time makinig ka. Magkakasakit ka nyan."

Pakiramdam ko tatakas na naman ang isang hikbi sa bibig ko, bakit nagagawa niyang maging kalmado sa kabila ng ginawa niya sa akin?

"I hate you."

Galit ako sa kaniya pero bakit nanatili pa rin ang pagmamahal ko sa kaniya? It should fade the moment he raped me but it didn't fade.

"I know."

Kinuha niya 'yung pinatong niyang tray sa side table at inilagay niya 'yun sa kandungan niya.

"Why did you d-do that?"

Ayoko siyang tanungin pero hindi ko na makontrol ang sarili ko sa pagtatanong.

"Because I love you."

Nagpailing iling ako, hindi pa rin ako naniniwala kahit na ilang beses pa niya iyong sabihin sa akin.

"If you love me, you wouldn't do that. You r-raped me Charles."

Tama naman ako 'diba? Hindi niya dapat ako sasaktan kung mahal niya ako.

Secretly Affair [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon