Chapter Thirteen

2K 60 0
                                    

Pagkatapos kong mag-ayos ng mga paper works ay inaya na ako nila Karry na mag-usap. Pumayag naman ako dahil pakiramdam ko ay napakalaki ng utang ko sa kanila, nag-punta kami sa isang resto-bar kaya kahit papano ay mag bonding na lang rin kami.

"Hindi ka ba nagpaalam kay Sir?"  Napailing ako dahil nakalimutan kong i-text manlang ito.

"Hayaan mo na, 'di ka naman na bata. Waiter!"
Sabi ni Elena bago tumawag ng magseserve sa amin, nag-order na nga kami at nagsimula ng mag-usap.

"Baka naman totoong mahal ka niya? Mula una pa lang?"
Napaisip ako sa sinabi ni Karry, imposible, una pa lang ay alam ko na kung ba't ako pinakasalan ni Charles.

"Tama, kung hindi ka niya mahal bakit ikaw pa? Madaming babae diyan sa tabi-tabi, at ikaw ang napili niya. Saka hindi naman 'yun siguro mag-aasawa ng alam niyang hindi niya gusto."

Sa mga sinasabi nila ay naguguluhan na ako, kung alin ba ang totoo.
At kung ano ba ang paniniwalaan ko.

"Ewan, basta ang alam ko. Mag-asawa na kami."

Palaisipan ang lahat para sa akin, kahit na sabihing umamin sa akin si Charles na mahal ako nito.

"Masarap ba si Sir?" Halos mabulunan ako sa sarili kong laway sa tanong ni Karry, what the heck?

"Ano bang tanong 'yan?" Naiilang kong sabi bago inumin yung beer na nasa harapan ko.

"Wag pa virgin! Ano? Masarap ba?"
Pakiramdam ko ay namumula na ako sa kahihiyan, bakit ba bigla bigla na lang niyang naitanong 'yun?

"Nagba-blush ang lola niyo! Hahahaha." At pinagtawanan na nga ako ng dalawa, nakakainis! Hindi ko naman kasi inaasahan na itatanong ni Karry sa akin 'yun.

"Saan kayo unang nag sex?"
Natigilan naman ako, naaalala ko tuloy kung kailan ako inangkin ni Charles.

Kung ano 'yung ginawa nito sa aking pag-angkin.

"Ano? Saan?"

Nanatili akong naging tahimik, bumabalik pa rin sa aking ala-ala ang nangyari kahit na nilimot ko na ang panahong iyon.

"Uy! Natahimik ka? Okay, kung ayaw mo edi huwag na lang."
Hindi na sila nagpumilit na alamin pa, at nagkasiyahan na lamang kami roon sa resto-bar.

Bandang 9 na ako nakauwi sa bahay, hinatid pa ako nila Larry hanggang sa labas ng gate ng subdivision na tinitirhan namin.

"Ma'am! Kanina pa po kayo hinahanap ni Sir!"
Nilapitan ako ng guard pagkababa ko ng taxi.

"Ganun po ba? Sige ho salamat sa pagsabi."

Mabuti na lamang at hindi ako gaanong nakainom kaya naman tuwid pa akong nakarating sa bahay. Bukas na bukas ang gate, at halos lahat ng ilaw ay bukas rin.

"Hmm? Manang?" Tawag ko pagpasok ko ng kabahayan, at halos mapatigil ako ng mapansin ko na may ilang tao sa sala. Natigilan ako, at pinagmasdan kung sino ang mga ito.

"Selene! Where have you been??"
Lumapit sa akin si Charles at hinawakan pa ako sa aking braso.

"I was with my friends." Nasabi ko na lang bago ibalik ang tingin sa mga kalalakihang nasa sala. And found out na  mga kaibigan iyon ni Charles, sila 'yung mga dumalo noon sa kasal namin.

"Are you drunk?" Inamoy pa ako nito sa bandang bibig ko kaya naman napatakip ako ng bibig, nakakahiya! Bad breath ako ngayon dahil sa alak at halo halong kinain ko.

"Konti lang nainom ko. Akyat na muna ako."

Tumango ito sa akin, nginitian ko muna 'yung mga kaibigan nito bago ako umakyat. Medyo nahihilo pero kinakaya ko naman para iwas hulog sa hagdan.

Secretly Affair [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon