Chapter Two

2.8K 79 0
                                    

Nanatili akong pinapakinggan ito habang sinasabi kung ano ang kanyang masasabi sa pinasa kong report ng Accounting Department.
Tutok na tutok ang mga mata nito sa folder na binabasa at sinusuring mabuti.

"Do you mind if I order you to make me coffee?"

Nag angat ito ng tingin at nagsimulang kumabog ang dibdib ko dahil sa pagsasalubong ng mata namin. Napalunok ako at umiling, wala namang kaso sa akin kung magpatimpla ito ng kape sa akin dahil gawain ko naman 'yun sa tuwing magpapagawa siya sa mga katulong.

"Coffee right away Sir."

Inalis ko ang pagkailang ko dito bago lisanin ang opisina nito, napahawak na lang ako sa dibdib ko habang naglalakad papunta sa pantry ng palapag na ito.

Pagkagawa ko ng kape nito ay agad akong bumalik pero hindi ko pa gaanong nabubuksan ang pinto ng opisina nito nang makarinig ako ng hagikhik mula sa loob, matagal ba akong nagtimpla at meron na agad siyang babaeng bisita?

Kumatok ako bago ko buksan ng malawak ang pinto at doon nakita ang dalawa na nasa living room section ng silid habang masayang nag-uusap.

Napatungo ako habang naglalakad palapit sa pwesto ng mga ito.

Nilapag ko sa harapan ni Sir ang tasa ng kape at sinulyapan ang babaeng mukhang mataray.

"Magandang hapon Ma."

Nginitian ko ito na agad naman nitong binalikan ng magandang ngiti.

"Why were you doing those stuffs Hija? You must not doing that because you're the wife of the CEO."

Tumingin ako kay Sir na ngayon ay nakangisi, alam niya sigurong parating ang Mama nya? Kaya niya ako pinag timpla ng kape at para mapagalitan ako nito? Ewan! Minsan hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa iniisip ng lalaking ito.

"Uh okay lang naman po Ma."

Nahihiya kong sabi bago ko samaan ng tingin ang lalaking ito.

"Hay kung ako hindi ako papayag na lihim ang kasal niyo. Ang dapat sa kagaya mong babae hindi itinatago."

Naiiling na sabi nito, napansin ko naman ang pagkatigil ni Sir dahil siguro hindi nito inaasahan na ioopen nito iyon ngayon.

"Uh--- alis na po ako."

Pagbabasag ko sa naging katahimikan, tumango lang naman ang ginang sa akin. Binalingan ko ng tingin ang lalaking iyon bago ko lakarin ang pintuan.

--

Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa ko at bigla na lang akong pinatawag nung bisor namin. Maayos naman ang pagtatrabaho ko, ngunit biglaan ako nitong pinatawag.

"Sinabi mo na maayos na lahat! Pero ayan! Tingnan mo! Pinakita ko 'yan kay Mister Garzilan, and you know what he said??? Everything is not organize!" 

Napapikit ako nang itapon nito sa aking pagmumukha ang mga papeles na ipinasa ko dito kahapon.

"M-maam. Inayos ko po 'yan kahapon."

Umiling ito at idinuro 'yung mga papel na nagkalat na ngayon sa loob ng opisina nito.

"Inayos? Napagalitan ako dahil sa kagagawan mo! Why didn't you check that twice, thrice or more?!"

Hindi na lamang ako nagsalita, alam ko naman sa sarili ko na wala akong maling ginawa.

"So ano?! Tatayo ka na lamang dyan? Get those papers and reorganize it!"

Akala ko ay tapos na ito nang may ibato na naman ito sa akin, iyon ay ang folder na lalagyan ng mga papeles na nakakalat na ngayon.

"I am so disappointed!"

Huminga ako ng malalim at nagsimula ng pulutin ang mga bagay na kumalat, hindi rin biro ang mga papel na nagkalat dahil marami 'yun.

Pinagsama-samang encode ito ng mga katrabaho ko, tapos ganito lang ang mangyayari.

Sa kalagitnaan ng aking pag-kuha ng mga papel ay may hindi ako inaasahang pagsigaw na maririnig mula sa taong kapapasok lang without asking for a permission to get in.

"S-sir.."

Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang binanggit na tawag ng bisor namin.
At nakita ko ang asawa ko na nag-aalab ang tingin sa bisor namin.

"Someone told me that you were shouting on someone here, and its look like you're done shouting on that someone."

Bawat salita nito ay may diin, at matalim talaga ang matang nakatingin sa bisor namin.

"Kilalanin mo ang pinapagalitan mo Miss Joaquin. You're fired, I don't wanna see your face ever again in my company."

"And you Miss Albertina, get up. Don't ever do that again. Not on my watch."

Pagkatapos nun ay umalis na ito, napatingin ako sa bisor namin na parang nawalan ng dugo sa mukha sa biglaang pagputla nito.


"No...."

Narinig kong bulong nito, nakaramdam naman ako ng awa dito. Nang dahil lang sa nangyari ay nasisente ito, sa halip na kausapin pa ang ginang ay sinundan ko si Charles.

Ramdam ko ang mga titig ng katrabaho ko pero hindi ko sila pinansin at hinabol ang asawa ko na hindi pa gaanong nakakalayo.

"S-sir."

Kailangan ko siyang tawaging Sir dahil baka biglang may makarinig.

"That's my final decision Miss Albertina. Back to your work."

Lupaypay ang balikat na bumalik ako sa trabaho.
At ang bisor namin ay nag eempake na ng kaniyang mga gamit sa opisina.

"I am here to say or announce that the new supervisor of this department will be Miss Selene Albertina, congrats." Pagbabalita ng secretary ni Charles na ikinagulat ko.

What???

Nagbibiro ba siya???





--

Umuwi ako sa bahay at sinalubong ako ni Sunny, ang pamangkin ni Manang Tess.

"Kanina pa po nandyan si Kuya, Ate."

Pagbabalita nito sa akin na tinanguan ko naman, alam kong maagang umuwi si Charles dahil nga maraming chismosa sa opisina.

"Mukhang badtrip nga eh. Kaya hindi na lang kinausap ni Tita Tess."

Dahil pa rin ba sa nangyari kanina?
Umakyat na ako at nagbihis, tapos ay bumaba na rin agad ako at nabungadan ko si Charles na busy sa laptop nito dito sa may sala.

Hindi ko sana ito papansinin ng magsalita ito.

"Hindi mo ba ako pasasalamatan?"

Taas kilay ko itong tiningnan, what? Saan?

"Mataas na ang ranggo mo."

Napangisi ako, so iyon ang tinutukoy nito?

"Ayos lang na mababa ang posisyon ko kesa naman mang sisante ka ng bigla."

Umiling ito at pinagkrus pa ang braso sa dibdib nito habang matiim na nakatingin sa akin.

"No one will dare to hurt you Selene. Ako lang."

--------------------------------#--------------------------------

Secretly Affair [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon