Chapter Twenty One

1.9K 56 0
                                    

"Mama! Ouch! Ouch!!"

Nabahala ako ng marinig ko ang anak ko na sumisigaw palapit sa akin, umiiyak itong tumatakbo habang hawak ang siko nito.

"Anong nangyari?"

Tiningnan ko ang siko nito na may kaunting gasgas pero kahit maliit lang iyon ay bakas sa mukha ng anak ko ang sakit.

"Niaway ako ni Sella, Mama. Nitulak niya ako after I lose her sa nilaro namin. Pikon siya Mama, kaya ayun.... I got wound."

Humihikbi pa ito habang nagsasalita, napailing na lang ako. Mga bata talaga, kaunting talo lang mang-aaway na.

"Hayaan mo na baby ha? Huwag gaganti okay? Tara, gagamutin ko 'yang sugat mo."

Akmang hihilahin ko na ito para pumasok sa loob ng bahay namin nang magmatigas ito.

"No! Masakit Mama! Masakit po."

Nagsimula na itong maiyak, naalala kong nagka trauma ito dahil noong nagka sugat din ito ay si Gian ang nag-gamot. Lagyan ba naman ni Gian ng alcohol 'yung bulak at ipahid sa sugat nito kaya ayun, hanggang dumating ako mula trabaho ay umiiyak ito dahil nga sa ginawa ni Gian.

"Hindi alcohol ang ilalagay ni Mama, betadine okay? Hindi 'yun masakit, lilinisin ko 'yan dahil may germs 'yang sugat mo. Baka ma-infection ka at maputol ang braso, gusto mo ba 'yun?"

Wala akong ibang maisip na paraan kundi ang takutin ito, hindi naman kasi pwedeng pabayaan ang sugat nito.

"No! Ayoko pong maputol ang arms ko, linisin niyo na po Mama."

Napangisi ako bago ito dalhin sa loob at nilinisan ito ng sugat.
Medyo nahirapan pa ako dahil nag-uumarte talaga ito pero sa huli ay natapos rin naman.

"Tito!"

Kakalabas lang namin ng CR dito sa baba ng bahay namin nang bumungad sa amin si Gian.
Nakasuot pa ito ng longsleeve white polo pair with his black slack, mukhang ginera ang mukha nito, siguro ay dahil sa pagod sa work.

Nang makita ni Gian na patakbong lumapit sa kaniya si Nathalie ay kinarga niya ito at masayang pinupog ng halik ang bata.

Parang nawala bigla ang pagod ng kapatid ko dahil sa pamangkin niya.

"Nigamot ni Mama ang sugat ko Tito, hindi siya masakit unlike before nung ikaw ang nag-gamot sa'kin."

Piningot ni Gian ang ilong nito na ikinatawa ni Nathalie. Napailing na lang ako at iniwan ang dalawa, binalikan ko si Mama na nasa kusina na kasalukuyan ng inihahanda ang hapunan namin.

"Rinig na rinig ko ang iyak ni Nath. Anong inaarte ng apo ko?"

Napatawa ako sa paraan ng pagsasalita ni Mama, sanay na kasi ito sa ugali ng kaniyang apo. Hindi kasi natatapos ang isang araw na hindi ito iiyak.

"Tinulak ni Sella, nagkasugat kaya iyak ng iyak. Kaartehan talaga ng apo mo Ma."

Natawa kami parehas, dinaan na lang namin sa biro kesa naman magalit pa kami dahil lang sa away ng mga bata.

Mabilis lang ang naging paghahanda namin, dahil narito lang din naman sa kusina ang aming dining table.

"Gian! Nathalie! Kain na!"

Tawag ko sa dalawa mula dito sa kusina, maya-maya ay dumating na ang dalawa. Karga-karga pa rin ni Gian si Nathalie na kung makayakap sa Tito niya ay parang mawawala ito.

Napatingin ako kay Nathalie habang nakangiti, masagana itong kumain habang sinusubuan ni Gian ng pagkain.

Blessing kung maituturing ang buhay ni Nathalie sa amin, she survived.
It's been four years nang iwan ko si Charles, but after a month, napansin ko lalo na si Mama ang biglaan kong paglaki. Umumbok ang tyan ko at lumalaki nga ang dibdib ko. Nagpa-check up ako, and I found out na dinadala ko pa rin ang baby ko. Sinabi ko sa doctor na nakunan ako pero, ang sabi nito ay pwedeng ma-mistook ang mga test.

Kaya itinuring naming blessing si Nathalie, she's already three years old. Bibo ito, napakakulit na bata, pero sobrang cute naman lalo na kapag nanlalambing.

She's so adorable, pansin rin namin ang pagkamatalino nito. Nung two years old ito ay marunong na itong magbilang at maka recognize ng numbers at mga hayop.

Hindi naman namin siya pinressure na mag-aral habang nandito sa bahay dahil ang bata niya pa lang pero tinutukoy nito ang mga postcards na binibinili sa kaniya ni Gian, tapos isang araw nagulat na lang kami na kaya niyang i-recite ang animals na makikita niya sa postcards.

Gifted daw si Nathalie ng ipa-consult namin siya sa isang ispesyalista. Sabi ni Mama ay hindi ako ganun kalakas mag memorize nung bata pa ako kaya naman sa tingin namin ay sa ama siya nito nagmana.

And he knew that our baby survived, galit man ako dito pero naging advance ang pag-iisip ko. Ayokong lumaki si Nathalie na walang ama kaya naman sinabi ko kay Charles ang totoo.

Every Monday to Friday ay sa Manila ito, sinanay ko na rin na magbyahe si Nathalie dahil nasa Manila ang Daddy nito at minsan ay sa Quezon pa kami pumupunta.

Pero minsan ay umaabot kami ng ilang linggo sa Manila dahil ayaw pang umalis ni Nathalie. Pero minsan ay iniiwan ko naman ito doon dahil may trabaho akong kailangang gawin.

Nakakailang syempre, nagkakasama lang kami ni Charles dahil kay Nathalie. Sa loob ng apat na taon ay pinili kong ilayo ang sarili ko kay Charles.
Pinili ko ring limutin ang pagmamahal ko dito pero walang silbi, kahit galit ako sa kaniya ay nangingibabaw ang pagmamahal ko dito.

Pero dapat ko talaga 'yung kalimutan dahil hindi na pwede, may girlfriend na ito at masaya sila sa tingin ko.

"Papa!"

Nandito kami sa silid namin, kinontak ko si Charles through messenger para makipag-video call ito kay Nathalie. Mukha namang inaantay nito dahil online ito at may chat pang 'Call me, I want to see Nathie."

"How's my baby?"

Napalunok ako dahil sa boses na 'yun, mukhang pagod ito pero pinipilit na maging okay para sa anak niya.

Nagpasok muna akong CR para maligo, buong araw akong may ginawa dito sa bahay kaya naman pakiramdam ko ay nanlalagkit na ako.

After I took a bath, napatampal ako ng noo ng makalimutan ko ang damit kong susuotin. Hinanda ko iyon, nasa kama na nga.

Pinulupot ko na lang sa katawan ko ang towel at lumabas, nag-uusap pa rin ang mag-ama. Masayang nagkekwento ito, at napailing ako ng parang may maalala ito at sinumbong ang panunulak sa kaniya ng kalaro.

Lumapit ako sa kama at kukunin na sana ang pamalit ko ng biglang itinutok sa akin ni Nathalie ang cellphone na hawak.

"Nath!"

Agad akong umiwas sa camera, napansin ko ang bahagyang pagka-gulat sa mata ni Charles nang makita ako.

"Hihihi Sorry Mama. Sorry too Papa, naka towel lang pala si Mama."

Napailing ako at nagbihis na sa banyo, pagkalabas ko ay wala paring sawa ang dalawa sa pag-uusap.

"Susunduin mo po kami dito Papa?"

Nanlaki ang mata ko, sinabi kasi ni Charles na susunduin niya kami dito sa Batanes. Lunes na kasi bukas, schedule para pumunta sa Manila si Nathalie.

"Oo, para safe kayo ng Mama niyo. Saka sa Quezon ang deretso natin."

"Pupunta po tayo kanila Lola?"

"Yes baby, by 5 am, nandyan na si Papa okay?"

Posible ba 'yun? Matagal kasi ang byahe papunta dito.

Maya-maya ay nagpaalam na si Charles at sinabing matulog na si Nathalie para maagap magising bukas.

"Excited na ako bukas Mama."

Ngumiti lang ako kay Nathalie. Palagi naman kasing excited itong makita ang ama niya.

Pinatulog ko na ito, nang makatulog ito ay pinagmasdan ko ang mukha nito.
Gustong-gusto kong magtampo dahil buong mukha ni Nathalie ay kamukha ni Charles. Ako ang nag-buntis dito tapos mukha ni Charles ang makukuha?

Kaya sa tuwing nakikita ko ito ay mukha ng ama nito ang nakikita ko, mabuti na lang at hindi ako nakakaramdam ng galit. Dahil baka kapag nagkataon ay hayaan ko na lang itong tumira sa ama niya.

Pero hindi, anak ko si Nathalie, dugo't pawis ko ito, hindi ko hahayaan na kay Charles na lang ito.

Secretly Affair [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon