Chapter Eleven

1.9K 57 0
                                    

'Yung pagkagising mo pa lang sa umaga, isang gwapong lalaki na agad ang bubungad sa mga paningin mo? Napaka swerte ko, dahil sa dinami-dami nang babae sa mundo, ako itong babaeng ngayon ay yakap-yakap nang lalaking halos pangarapin na nang mga kababaihan.

Sobrang gaan nang pakiramdam ko dahil sa sobrang saya nang puso ko ngayon, sa pangalawang pagkakataon. Isinuko ko muli dito ang buhay ko, at buong puso kong isusuko.

Umangat ang kamay ko at hindi ko maiwasang padaanan nang hintuturo ko ang nose bridge nito.

Papunta sa malambot nitong labi.

May biglang pumasok sa isip ko kaya agad akong napangiti, bakit pumipilyo nang utak ko?

Isang halik lang naman.

Huminga ako nang malalim, sige. Tulog na tulog naman siya eh.

Inangat ko ang ulo ko palapit sa mukha nito hanggang sa maramdaman ko na lang ang labi ko sa labi niya. Tinagalan ko ng mga limang segundo at nang akmang aalis na ako sa pagkakahalik ay nanlaki ang mata ko nang biglang may kamay na hinawakan ako sa batok para hindi maalis ang labi ko sa labi nito.

Nakamulat na mukha ni Charles ang nakita ko.

Unti-unting gumalaw ang labi nito kaya di ko naiwasang mapapikit.

Ano ito?  Morning make love? 

Akala ko ba isang halik lang pero bakit lumalim? 
Hanggang sa pumaibabaw na ito sa akin at tanggalin ang nakabalot sa katawan ko.

Napaungol ako nang hawakan nito ang hinaharap ko at bahagya iyong lamasin.

"Fvck." Rinig kong sabi nito nang ibaba nito ang kanyang mga labi sa leeg ko. 
Tanging pagkapit lang sa braso nito ang nagawa kong pag suporta dahil hindi ko alam kung ano ang iba kong gagawin.

Nang malapit na ito sa hinaharap ko ay sunod sunod na ringtone ng cellphone ang narinig namin kaya agad na nainis si Charles.

Umalis ito sa ibabaw ko,  ibinalik nito 'yung comforter sa katawan ko bago bumangon at sagutin ang tumatawag sa telepono nito.

Nakaramdam ako nang pagkahiya dahil mangyayari na naman sana 'yun kung wala lang tumawag.

Sa halip na manatili sa kama ay agad akong bumangon tapos naglakad papunta sa CR.

Gusto kong tanggalin ang naging init sa katawan ko sa pamamagitan nang pagligo.

Nang matapos ako ay nasa telepono pa rin si Charles kaya hindi ko na ito inabala pa at bumaba na lang para tingnan kung may pagkain na bang nakahain.

"Good morning Sunny." Bati ko dito nang maabutan ko ito sa kusina.  Agad itong bumati pabalik.

"Anong niluluto mo?"

Dumukwang ako para tingnan ang niluluto nitong itlog. 

May iba na rin siyang naluto kagaya nang bacon at hotdog.

"Tulungan na kita sa paghain nang makakain na tayo."

Hindi na tumutol pa sa akin si Sunny dahil alam naman nito na hindi ito mananalo sa akin.

Nang matapos kami ay saktong baba ni Charles na nakabihis nang pang opisina. 

"Hindi na ako makakasabay Hon. See you in the office hmm?"

Napabusangot ako, aalis siya nang hindi manlang kumakain? 

"Kain ka muna."

Umiling ito, sabay 'sorry'

Hinalikan ako nito sa pisngi bago magpaalam na kailangan na talaga daw niyang pumasok dahil may urgent meeting. 

Napabuntong hininga na lang ako,  parang kanina lang.

Secretly Affair [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon