Chapter Eight

2K 60 0
                                    

Malakas na sigaw ni Charles ang narinig ko nang mabilis kong pinatakbo ang kabayo nang mahawakan ko muli ang lubid na tali ng kabayo,  parang nawala ang lahat ng takot ko sa pagsakay sa kabayo sa nagawa ko.

Hindi ako makapaniwalang nakangiti ako habang pinatatakbo ang kabayo, may kalayuan na rin ako sa mga kulungan ng mga kabayo kaya malakas kong hinila ang tali para patigilin ang sinasakyan ko.

Para akong hinabol ng kabayo sa bilis ng paghinga ko pero alam ko na nakangiti ako. Ang saya pala..

"God Selene!"

Napatingin ako sa likod ko nang mabilis na bumaba si Charles sa kabayo at nilapitan ako.

Hinila niya ako pababa ng may pag aalalay bago ko maramdaman ang mahigpit niyang yakap, ramdam ko ang mabigat niyang paghinga.

"You scared the hell out of me. Please don't dare to do that again.."

Tinapik tapik ko ang likod niya, hindi ko naman sinasadya na pag-alalahanin at takutin siya.

"I did it Charles... I overcome my fears of riding a horse..."

Masaya ako dahil kahit papano, 'yung kinatatakutan kong gawin ay nalagpasan ko na yet I did it with with Charles.

Kumalas na ito sa yakap, he scan my face before cupping my both cheeks.

Para akong maduduling sa lapit ng mga mukha namin. Kumakabog na rin ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang lapit niya sa akin.

"I love you.." He said before I felt his lips touch mine.
Napapikit ako dahil sa nangyari, hindi man ito ang unang beses na maglapat ang mga labi namin pero ito ang unang beses na pakiramdam ko ay umaangat ako sa kaligayahan.

Kumilos ang labi niya ng ilang segundo ang lumipas, I quickly response to his kisses. It get deeper and deeper until we both need an air.

"Balik na tayo."

Inalalayan niya ako na sumakay sa kabayo, at sabay kaming bumalik sa may kwadra.

"It seems that you both enjoyed horse riding.."

Napatingin kami sa bigla na lang sumusulpot na si Ellen.  She's wearing a simple cowgirl outfit.  Mukhang mangangabayo siya sa itsura niya ngayon.

"Yes, you're going to ride?  I'm sorry Elle but I can't convoy you now co'z we just finished."

Hinawakan ko sa braso si Charles, pwede naman niyang samahan ang kapatid niya sa pangangabayo.

Saka ayos lang naman sa akin na hintayin siya.

"Samahan mo na muna si Ellen, kaya ko naman."

Nginitian ko ito, ayokong may masabi si Ellen patungkol sa akin.

"You sure?"

Tumango ako sa kaniya, sinabi kong sa kubo na lang muna ako maghihintay dito.

Nagderetso nga ako sa kubo na walang katao-tao pero may nakahandang mga pagkain sa kahoy na mesa, kaya naman ay kumain ako nang paunti-unti.

Naabutan ako ni Allen na ganun ang ginagawa kaya medyo nahiya naman ako.

"Continue eating Ate, don't mind me."

Naupo siya sa katapat kong upuan at ako naman ay inayos ang pagkakaupo.

"Uh hindi ka mangangabayo?"

Kung hindi ako nagkakamali ay palagi siyang nakaalalay kay Ellen, pero ngayon hindi eh.

"I was about to but Kuya is already there to guide her, beside Ellen can handle herself."

Secretly Affair [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon