Julie
Kakatapos lang nang practice namin ng mahagip ng mga mata ko si Maqui, nakatingin siya sa akin pero pagkatingin ko sa kanya kaagad na tumingin siya sa ibang direksyon dahilan para mapangiti na lang ako ng mapait.
She's avoiding me
Sino ba naman ang hindi? First, I left the concert without giving them any explanation. Second, instead of going to the hotel I went home and just informed them that I'm not feeling well and that's why I went home instead of the hotel room that Maqui reserve for us through a text. Sinong birthday celebrant ang hindi maiimbyerna sa ginawa ko?
"Maq, tuloy ba yung party mo bukas?" narinig kong tanong ni Steve, isa sa mga member ng theater club.
"Oo naman, para naman kahit papaano makahinga rin tayo sa pagpapractice" narinig kong sagot ni Maqui dahilan para mas minadali ko ang pagliligpit ko ng mga gamit ko at umalis at pumunta sa classroom ng susunod kong klase kung saan hindi ko kaklase sila Mayton o Maqui.
Napahawak ako sa sentido ko pagkaupo ko, kanina pa kasi masakit ang ulo ko "Ja, nagawa mo na ba ang assign - Ja, are you okay? You're pale" narinig kong sambit ni Yssa, isa sa mga kaklase ko sa marketing.
Ngitian ko siya tumango "I'm fine Yssa, ano nga yung tinatanong mo?"
"Right. I was asking if nagawa mo na ba ang assignment natin sa marketing?" pag-uulit ni Yssa sa tinanong niya sa akin kanina.
"Hindi pa eh, pero nasimulan ko na. Isesend ko na lang sa'yo mamaya yung ginawa kong slide"
"Lifesaver ka talaga Ja, thanks" sambit ni Yssa at yinakap si Julie at kumalas pagkalipas ng ilang segundo "You sure you're really okay? May medicine ako dito para kahit papaano mabawas yang sakit ng ulo na nararamdaman mo"
"Thanks Yssa, pero really I'm fine nakainom na rin ako ng gamot, mawawala din tong sakit ng ulo ko maya-maya" sambit ko at pinilit kong ngitian siya kahit papaano.
I heard the bell rings indicating it was time for next subject to start and that's Human Resource luckily our morning rehearsals was finished early kaya nakaupo na ako ngayon dito, the teacher came in, we greeted her, have a prayer and then we sit down as our teacher starts discussing.
"What is the third competitive challenge in Human Resource Management? - Ms. Muhlach"
"Ja" napabalik ako sa ulirat nang marinig ang tinig ng isa sa mga kaklase ko at napatingin ako sa kanya "Tinatawag ka ni Ma'am"
Napatingin ako sa harapan ko at nakita ko ang nakakunot na noo ni Ma'am "I guess you were so busy with your extra-curricular, Ms. Muhlach that you have forgotten that before you are the Council President, you are a student first and sleeping in the class isn't an great example of a leader, Ms. Muhlach"
I clenched my fist and bit the bottom of my lips and said "I'm sorry, Ma'am, medyo masakit -"
"I don't care about your lame excuses, Julie. Kung may sakit ka, bakit ka pa pumasok sa klase ko when you can just go to the clinic directly and be excuse like you always do?"
Napayuko na lang ako at pinili ko na lang hindi sumagot dahil hindi ko rin naman naintindihan ang mga dinagdag niyang sinabi dahil sa sakit ng ulo ko.
"Remain standing for the rest of the time, Ms. Muhlach" narinig kong sambit ni Ma'am Roxanne, dahilan para maitaas ko ang aking tingin saglit at tsaka siya nagpatuloy na magturo.
"Okay lang ba?" narinig kong bulong na tanong ng kaklase ko na katabi ko, napatingin ako sa kanya at ngitian siya bago ako tumango "You sure? Namumutla ka na -"
BINABASA MO ANG
The Secret Daughter
FanfictionIlang beses ko na ba narinig mula sa mga kaibigan ko na naiingit sila sa mga anak ng mga artista? Once? Twice? More than a thousand times? Hindi ko na bilang. Sabi ng mga kaibigan napakaswerte daw ng mga anak nila, napapangiti na lang ako ng mapait...