Julie
"Hi Maq" bati ko kay Maqui pagkarating ko sa library. May usapan kasi kami na mag-aaral ngayong araw na ito since I miss my class this past two days.
Tinignan ako ni Maqui habang nakataas dalawang kilay niya "Anong nakain mo at ang saya - saya mo ata ngayon?"
"Wala, I'm just happy" sambit ko at umupo sa tabi ko.
"Wow ha?! Sa lahat ng pagalitan ikaw lang ata yung hindi nag-aalala or malungkot" sambit nito dahilan para kumunot ang noo ko.
"Sino ba naman kasing nagsabi napinagalitan ako kagabi?"
Mukhang nagulat si Maqui sa sinabi ko "Weh? Di ka pinagalitan ni Tito?" di makapaniwalang tanong nito dahilan umiling ako.
"Pumunta siya dito kagabi, kasama pa nga si Miss Lea akala ko kasi umuwi ka na at hindi lang nila alam kaya sinabi ko na hindi ka pumasok dahil masama ang pakiramdam mo"
Yinakap so si Maqui sa kanya dapat ako magpasalamat at sa matabil niyang dila kasi kung hindi, hindi kami magkakasundo ni Mommy kahapon. Hindi kami magiging clear yung issue pagitan namin sa kanya.
"Saan ka ba pumunta kahapon? Alang-alala kaya sila Tito Aga sa'yo" sambit niya habang yakap ko siya.
Kumalas ako sa pagkakayakap ko "Thank you, Maq" I said at nakita ko ang pagkunot ng noo niya.
"Bakit ka nagthathank you sa akin? Pwede kang mapagalitan kagabi sa ginawa ko"
Nginitian ko lang siya "Basta thank you"
"You know what? You're weird" Maqui said and as I chuckled.
"Si Mayton nga pala?"
"Papunta na yun. Alam mo naman yung babaeng yun napakatagal gumalaw" sambit ni Maqui "Nakaaral ka na ba? May long quiz daw tayo sa accounting mamaya"
Umiling ako "Hindi pa nga eh"
"Weh? Ayaw mo lang magpakopya eh" sambit ni Maqui dahilan para mapatawa ako.
"Oo nga, may nangyari kasi kagabi" sambit ko at nginitian siya ng matipid "Kaya hindi ako nakapag-aral. Ikaw muna ang bahala sa akin mamaya ha?" sambit ko at nagwink sa kanya.
Umiling na lang si Maqui "Kahit naman hindi ka mag-aral eh, mapeperfect mo rin yun, ikaw pa? Napakatalino mo kaya"
"Nahiya rin naman ako sa katalinuhan mo ano?" samibt ko dahilan para pareho kamign matawa at tsaka kinuha ang libro sa bag ko at nagsimula na akong mag-aral.
Hindi na ako nagpunta sa music room ngayong araw kasi walang pasok si Elmo at bawal kasi pumasok dun kapag hindi ka member ng organization kaya nakakapasok lang ako dun tuwing nandun si Elmo.
I sighed ng marinig ko ang pagring ng bell at tumayo na ako bago ko pinasa yung papel ko.
"Maq, gusto kong maiyak hindi ko alam kung tama yung sinagot ko" sambit ko kay Maqui habang papalabas kami ng classroom.
"Wag kang mag-alala Juls, parehos lang naman ata tayo, muntik ko na nga di mabalance yung last number" sambit ni Maqui "Mabuti na lang at nakita ko ang mali ko"
"Nabalance niyo yun?" di makapaniwalang tanong ni Mayton.
Umiling ako. Wala na. Bagsak na talaga ako. Huhuhu. Bakit ba kasi naimbento yung accounting na yan eh? Bakit ba kasi Finance yung minajor ko eh pwede naman business management lang naman. Huhuhu.
Umiling ako "Hindi ko na alam kung tama ba yung sagot ko, basta sinulat ko na lang ang mga accounts tapos sinulat ang mga value" sambit ko at tuluyan kaming lumabas ng room.
BINABASA MO ANG
The Secret Daughter
FanfictionIlang beses ko na ba narinig mula sa mga kaibigan ko na naiingit sila sa mga anak ng mga artista? Once? Twice? More than a thousand times? Hindi ko na bilang. Sabi ng mga kaibigan napakaswerte daw ng mga anak nila, napapangiti na lang ako ng mapait...