JuliePapanhik na sana ako sa itaas nang mahagip ng mga mata ko ang tv kung saan ang paplay ang commercial ng The Voice tungkol sa audition nila dahilan para mapatigil ako saglit.
"Open to all ages 13 to 17 years old. Magaudition na!"
Papanhik na sana ako sa kwarto nang marinig kong magsalita si Atasha.
"Sa tingin mo Dres, matatanggap kaya ako kapag sumali ako diyan?"
"Hindi. Sa panget ba naman ng boses mo, sa tingin mo may iikot para sa'yo? Isa pa, mahiya ka naman si Ate Julie nga na namana ang golden voice ni Tita Lea hindi naisipan na sumali sa mga ganyan tapos ikaw ang lakas ng loob mo –"
"Andres, tama na iyan" pagsaway ko kay Andres dahil alam kong kahit nagbibiro lang si Andres at walang intensyon na makasakita ay alam kung nasasaktan na si Atasha sa sinasabi nito.
"Nagbibiro lang ako Ate" sambit ni Andres sa akin at nginitian ako "Tash, no hard feelings pero totoo ang sinabi –" bago pa matapos si Andres sa sasabihin niya ay binato na siya ni Atasha ng unan.
"What's that for?" nakakunot noong tanong ni Andres at bakas sa pagmumukha niya ang pagkainis.
I saw how Atasha just rolled her eyes and look at me "Ate, why don't you join instead? For sure yakang-yaka mo lang na paikutin ang mga judge lalo na si Tita Lea"
Napangiti ako ng mapait nang marinig ang sinabi Atasha 'Mukha ko nga hindi niya nakilala noong unang pagkikita namin, boses ko pa kaya?' tanong ko sa sarili ko bago ko tinignan si Atasha "What makes you think that she'll turn around for me?"
"You have a great voice like her" she answered.
"Aside from what Tash has said, you have the looks of what it take" Andres answered too.
"Dres, are you nuts? The coach don't face the contestants in The Voice so it means they don't know what you look. Pagalingan lang sa pagkanta yung The Voice. Iba yata yang napanuod mo" sambit ni Atasha habang nakakunot ang noo nito.
"Siguro nga" sambit ni Andres at nagkibit-balikat "Hindi naman ako fan nang mga yan eh, but I'll surely watch if Ate would be singing" dagdag na sambit ni Andres.
"Naks naman, my heart is flattered" nakangiting sambit ko "I never knew that you were a fine of mine"
Narinig kong tumawa si Atasha "Yet he's even claiming that he is your number one fan"
"Shut up, jackass"
"Andres" I called his name as I widen my eyes to warn him about what he's saying, kaagad niyang tinakpan ang bibig at nagpeace sign sa akin at nakita ko naman na binelatan siya ni Atasha at binelatan naman siya pabalik ni Andres dahilan para mapailing na lang ako habang pinagmamasdan sila "Stop it you two! Baka saan nanaman mapunta iyang asaran niyo at kung ano nanaman ang masira niyo" I said as I make my voice louder and clearer para patigilin sila sa pag-aasaran.
"But really Ate, why don't you consider it?"
"Consider what, Atasha?" nakakunot noong tanong ko sa kapatid ko na nakantingin sa akin.
"Joining the voice. You have a good voice, thanks to Tita Lea's genes, kesa sayangin mo yan sa kaka concert mo sa banyo, why don't you go sing on the big stage instead?"
"For what, Atasha? So I could embarrass myself? No thanks" I said at tinignan sila "Sige na I have a lot of things to do kaya papanhik na ko sa kwarto ko, tawagin niyo na lang ako kapag may kailangan kayo"
Nakadalawang hakbang pa lang ako nang tawagin ako ni Atasha "Ate"
"Ano?" inis na sambit ko at tinignan siya at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung anong nakadisplay sa tv dahil naglalaro na ang dalawa ng NBA 2k19.
BINABASA MO ANG
The Secret Daughter
FanfictionIlang beses ko na ba narinig mula sa mga kaibigan ko na naiingit sila sa mga anak ng mga artista? Once? Twice? More than a thousand times? Hindi ko na bilang. Sabi ng mga kaibigan napakaswerte daw ng mga anak nila, napapangiti na lang ako ng mapait...