15.1: Crazy In Love

489 22 14
                                        

CHAPTER 15.1: CRAZY IN LOVE

 

 

 

 

-TIFFANY-

"Uy, Fany, mukha kang zombie, promise." Sabi sakin ni Taeyeon habang kumakain kami ng almusal. "Tsk. Fany-ah!"

"Oh? Bakit?" Walang ganang tanong ko sa kanya habang nilalaro yung kutsara ko sa cereal na ginawa ni Dyo.

"Fany, wag mo naman laruin yung cereals na ginawa ko para sa inyo." Sabi ni Dyo tapos nakatitig siya dun sa bowl ko.

"S-Sorry, ha? M-Medyo lutang lang ako." Sabi ko at ngumiti ng pilit. "Sorry talaga. Dyo, salamat sa pagkain, ha?"

"No problem, Fany." Sabi naman ni Dyo. Hindi na nila ako tinatawag na 'Noona' yun naman ang sabi ko sa kanila, e.

"Malapit na ang birthday mo tapos ganyan ka? Anong problema, Tiffany?" Tanong naman sakin ni Hyoyeon.

"Anlaki ng bagahe sa ilalim ng mga mata mo." Dagdag naman ni Yuri.

"Wala naman akong problema, kumain na lang tayo. Okay?" Mahinahon kong sabi sa kanila at sumubo ng pagkain.

Narinig ko namang bumuntong hininga si Jessica. "Just tell us your problem to settle everything. Ghad."

"Narinig nyo naman si Tiffany kanina, diba?" Biglang singit ni Yoona. "Kumain na lang tayo."

"Oo! Tama!" Sabat naman ni Sooyoung. Palibhasa kasi gusto nyo talagang kumain, kaya kayo ganyan!  ㅋㅋㅋㅋㅋ

"Ang awkward naman ng atmosphere natin!" Biglang umimik si Chanyeol. "Basta, Fany, kung may problema sabihin mo lang samin."

"Kung sabi niya na walang problema, edi wala. Wag nyo pilitin. Kung ayaw niyang sabihin, di wag. Bahala siya sa buhay niya." Lahat kami nagulat sa sinabi ni Suho.

Tinignan ko lang siya ng masama. "Tiffany, huminahon--" Hindi na natuloy ni Xiumin ang sinabi niya dahil tumayo ako mula sa pagkakaupo.

"I l-lost my appetite." Sabi ko at lumabas ng dorm. Rinig ko pa yung pagsigaw nila sa pangalan ko pero nagtatakbo ako palabas at pumasok sa kotse ko.

Everyday LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon