20.2: Practice

367 16 6
                                    

CHAPTER 20.2: PRACTICE

 

 

 

 

 

-TAEYEON-

Pagkatapos namin kumain, nagsalita ako. "Uy, EXO, isang practice naman d'yan ng Growl at Wolf, oh. Dali! Sample!" Request ko sa kanila.

Tumayo naman silang 12 at pumunta dun sa gilid si Tao, inayos yung audio tapos biglang nag-play yung music at umayos sila ng position.

Napapalakpak naman ako nang matapos nila ang "Growl" ng buo. "Kumpleto na ba yung tracks ng album nyo?" Tanong ko at tumango naman sila.

Napalingon naman kaming lahat nang may biglang kumatok sa pinto nitong practice room, lumapit ako at pinagbuksan ang kumakatok. Psssh, staff pala. "Good morning po, Ma'am Taeyeon." Bati nung staff.

"Hmm, good morning din." Sabi ko. "M-May problema po ba?"

"Kailangan po ang TTS sa studio ngayon."

"P-Po, bakit?"

"May album na daw po kayo na i-re-release pero kulang po ng isan track."

"G-Ganun po ba? Sige, po. Susunod na lang po kami." Sabi ko at umalis na yung staff. "Seohyun at Tiffany narinig nyo naman siguro yun?"

Tumango sila parehas tapos biglang nagsalita si Jessica, "Yah! Taengoo-ah, mapapagod ka talaga! Kakatapos mo lang sa Set Me Free at Breathe mo tapos may bago na naman?!"

"Oo, e." Sabi ko. Tinawag ko na yung TaeTiSeo at nagpaalam na kami sa natitirang members sa practice room. Dumeretso kami sa studio.

Pumasok kami at agad kaming binati ng mga staffs tapos inabutan kami ng mga papel. Ito yung lyrics. "Thank you," sabi ko dun sa nag-abot sakin ng papel.

Pinag-aralan namin yung mga lines tapos tinawag agad ako ng producer. Mag-re-record na daw ako. Pumasok ako dun sa loob. "Okay, let's start with 'Holler'." Sabi nung producer.

"Hwangchanghan sunny day ppyeongbamhan geon jaemi eobtiji." Pagsisimula ko. "Teukbyoelhan bimiruel chaja tteonabolkka eodiro."

"Next, Tiffany!" Sabi nung producer. Lumabas na ako at pumasok naman si Tiffany. "Hwaiting," sabi ko. Ngumiti naman siya.

Everyday LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon