CHAPTER 19: THANK YOU
-TAEYEON-
"Ah, eh, pwede po ba?" Balik-tanong naman ng staff kay Baek. Nahihiya kasi yung staff na si Baek yung pakantahin, e. Eeh, talagang mahiya kayo!
"Oo naman, po. So, pupunta na po ako ng stage." Sabi ni Baek. Kinabitan na siya ng mic at earpiece/earphone. Ito talagang batang 'to, handa talaga, e.
Umakyat na kami ng stage tapos hinatid pa niya ako sa pwesto ko. Tss. Baekhyun, 'wag kang ganyan! Ehmeghed! Umaataki ang girly cells ko! Aigoo!
Nagsimula na ang intro ng kanta. Pinagmasdan ko si Baek kumanta. Kahit hindi kanya yung kanta, parang siya talaga yung.. Nasa pwesto dapat ni Jonghyun. Aissh! Ang gulo.
Hindi ko namalayan na ako na ang kakanta, muntik na talaga. Kung na-late ako ng sobra, baka hindi ko pa nabanggit yung firdt word ng line ko.
I'm immersed to the song. Kapag kumakanta ako, hindi lang basta kumakanta, especially in ballads. Hindi ko naging idol para sa pera, I wanted to become an idol because of my passion.. To music.
Yung feeling na kapag tinataas ko yung boses ko, hinahawakan ko nang mahigpit yung mic. Natapos ang pagkanta namin ni Baek at nagpalakpakan ang tao.
"BaekYeon! BaekYeon! BaekYeon!" Sigaw ng mga fans. Hahaha! Napapangiti ako, ewan ko ba... Sa natutuwa ako sa kanila, e. I waved at them as I went to the backstage.
Nagsilapitan ang mga staffs samin, "Thank you, Sir Baekhyun." Sabay bow ng mga staffs kay Baek. Nakks naman, oh. 'Sir' Baekhyun daw, e.
Nag-bow din yung mga staffs sakin at nag-bow ako pabalik. "Baekhyun-ah, ayos ba? First time mong tumayo sa stage nang may kasamang sunbae?" Sabi ko kay Baek.
Nahihiyang tumango naman siya sakin. Bakit naman kaya 'to nahihiya? Dapat nga ako mahiya sa kanya, e. Kasi... Niligtas niya yung performance dapat namin ni Jonghyun.
Hindi naman ako makapag-'Thank You' kay Baek kasi talagang nahihiya ako. Hindi ko kaya. Aigoo! Sa hindi ako sanay, e. "May isa ka pang performance, di ba, Taeng?" Tanong niya.
"Ah, oo." Maikling sagot ko sa kanya at lumagok ng konti sa bote ng tubig na hawak-hawak ko. May 'Set Me Free' performance pa kasi ako mamaya, e.
Pagkatingin ko kay Baek, nakatingin siya sa phone niya. "Anong meron.. May text ba sayo?" Curious kong tanong. Eh, sa curious talaga ako, e. Nakangiti kasi siya, e.
BINABASA MO ANG
Everyday Love
Teen FictionForever... Monday let this dream bloom, Tuesday this dream will be bigger, Wednesday the rain will when your tears stop, Thursday the moon and the sun will come out, Friday we’ll play in my dreams... Date Created: 140314