14.3: Exchange

475 25 25
                                    

CHAPTER 14.3: EXCHANGE

 

 

 

 

-SUHO-

"Haay, nakakapagod~" Sabi ni Tiffany at saka umupo sa tabi ko.

"Gusto mo ng tubig?" Tanong ko sa kanya.

"Wag na--"

"Here." Inabutan ko siya ng bote ng tubig. Bago yan, walang laway!

"S-Salamat."

"Ito din," Inabutan ko siya ng towel. "Nagdala ako ng dalawa para sayo."

"Thank you ulit. Woah! Pink!"

Pink kasi yung towel, e. Matapos ang konting pahinga, bumalik si Fany sa stage.

Ngayon ko lang makikita ng buo yung performance nila. Kakarating ko lang mula dorm para magdala ng towel para sa kanya, e.

Pumasok na sina Tao, Luhan, at Sehun. Hmm? Magkapartner si Luhan at Tiffany? Tapos yung dance steps, tsssh. Makahawak sa braso at balikat, dre?

Tinext ko na lang si Tiffany habang nagppractice niya, i-check na lang niya ang phone niya mamaya, I texted na may pupuntahan lang ako.

- - -

"Suho!" Tawag ni Tiffany sakin. "Ikaw, ah? Ka-text kita kanina tapos di mo na ko ni-replyan. Asan ka ba kanina?"

"Ah, Fany, nagpunta lang ako ng CR." Tipid kong sagot sa kanya. Lumungkot naman yung mukha niya.

"Yah! Bakit ang tipid mong sumagot? Galit ka? Anong ginawa ko sayo?"

"Wala." Ka-partner mo lang naman si Luhan. Hindi ako galit. Bakit ba ako magagalit? Tss.

"Ang cold mo, ah? Psssh." Inirapan niya ako. "Bahala ka dyan! May practice pa ako! May dalaw ka ata, e!"

Binelatan niya ako tapos nagtatakbo palayo. Eeh, bahala siya dun. Umakyat siya ng stage tapos kumanta kasama sina Taeng-Noona at Seo.

Everyday LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon