CHAPTER 15.3: CRAZY IN LOVE
-KAI-
Matapos ang sermon sakin ni Taeyeon-Noona, lumabas ako ng room three at pumunta sa room nina Kris-Hyung. Hinanap ko ang susi ng kotse ni Kris-Hyung at.. Nahanap ko naman!
Nag-ayos ako ng sarili at pumunta sa rooftop ng dorm namin. Hahanapin ko si Yuri.
Bumaba ako mula sa rooftop, aba... May ladder nga naman dito. Henyo nga si Yuri. Si Yuri na mabilis magtampo nang dahil kamanyakan ko.
Ginamit ko ang kotse ni Kris-Hyung ata pumunta sa kung saang-saang sulok ng Seoul. Sa SM, wala. Sa KBS, wala daw. Sa SBS, wala daw. Sa MBC, wala daw. Sa Mnet, wala daw.
Sa park, wala sita dun. Pumunta akong mall at hinanap siya sa mga stores. Naka-limang ikot ata ako sa buong mall pero wala talaga siya.
Umupo muna ako sa bench na nasa harapan ng mall nang may nakita akong store ng Mickey Mouse sa tabi ng mall.
Si Yuri, maraming collection ng Mickey Mouse, e. Maregaluhan nga. Naglakad ako papasok ng store at laking gulat ko nang makita si Yuri dito.
Likod pa lang, alam ko na! Sa hugis ba naman ng katawan nun! 34-21-35! Vital statistics yan ni Yuri, searchable yan! Hanapin nyo!
Kinulbit ko ang nakatalikod na si Yuri. Nakashades pa nga siya, e para hindi siya makilala. "Kwon... Yuri." Medyo malakas na sabi ko. Nakarinig naman ako ng mga bulungan ng customers dito sa store.
"Kwon Yuri daw!"
"Di ba si may Kwon Yuri ang SNSD?"
"Si Kkab Yul kaya yan?"
"Girl! Tignan mo to! Nagp-perform ng live ang GG tapod wala si Yuri!"
"Hala! Edi, baka nga siya to!"
"Kyaaah!"
Lahat ng mga tao dito sa store, pinagkaguluhan si Yuri at... Agad ko naman kinaladkad pala si Yul. Bow pa ng bow si Yuri, e.
BINABASA MO ANG
Everyday Love
JugendliteraturForever... Monday let this dream bloom, Tuesday this dream will be bigger, Wednesday the rain will when your tears stop, Thursday the moon and the sun will come out, Friday we’ll play in my dreams... Date Created: 140314