17.0: One True Pairing

463 23 10
                                    

CHAPTER 17: ONE TRUE PAIRING

-KAI-

 

[Two Days Ago]

Tatawagin ko si Yuri para kumain na. Ang tamad kasi bumangon, e. Nauunahan pa ni Jessica-Noona.

Pumasok na ako sa loob ng room three nang makita kong may kausap si Yuri sa cellphone niya, "Mag-d-date ba tayo?" Rinig kong sabi niya.

Hindi naman naka-loud speaker yung cellphone ni Yul kaya hindi ko marinig yung kausap niya. Pero, sh-t! Date?! Ngiting-ngiti pa siya! "Sige, sige. Date tayo mamaya!" Natatawa pa niyang sabi.

Napakagat ako sa labi ko. Kung gusto niya ng ka-date, edi sana niyaya niya na lang ako! Ako naman ton tanga at kalahati, hindi ko siya niyayaya. Hindi ko naman mahal, e.

"Huluh! Wag na! Ako na lang ang pupunta sa dorm nyo kasi nagbago na kami ng dorm, e. May kasama kaming ibang group dito." Pa-cute pa niyang sabi.

At leche! Ano daw?! Siya ang pupunta sa dorm ng makaka-date niya! Kababaeng tao, e! Narinig ko naman ang malakas niyang tawa. Nakasilip lang naman ako sa pinto, e. "Hindi no! Bakit naman ako kikiligin? Eeh, sayo lang ako kikiligin!" Tsk.

Pucha! Lintik na! Sino bang kausap nito?! Ni hindi pa nga nababanggit ni Yuri yung pangalan. "I love that, show me a LOL face~" Pag-r-rap ni Yul.

"Ne saranghae!" Yan ang huli niya sinabi at binaba na ang phone niya. Paglingon niya sa likod ay nakita niya naman ako.

Binuksan ko nang malawak ang pinto at sumandal sa gilid. "Oh? Sinong kausap mo?" Mataray na tanong ko sa kanya. Tsk. Tsk.

Nag-pout naman siya bigla. Takte! Hindi yan gagana sakin! Hindi yan gagana-- Hindi ya-- Hin-- Oo na, gumana na. "Psssh. Wala ka nang pake, Kai. At saka, nakikinig ka ba sa usapan namin?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Galit kaya siya? Mukha siyang nagtataray, e. Palabas na siya ng silid nang hablutin ko ang braso niya, "Sino nga kasi yung kausap mo?" Naiinis kong tanong kasi unti-unti na niyang nilalayo yun topic.

"Galit ka na nyan?" Nakangiting tanong niya. Nang-aasar ba to? "At saka, wag kang magselos!" Kuntyaw niya.

Nanlaki naman yung mga mata ko, "What? Ako, magseselos? Tsssh. In your dreams!" In your dreams, Mrs. Kim-- Ms. Kwon pala.

Everyday LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon