CHAPTER 20.1: PRACTICE
-HYOYEON-
Hayyy, ang lungkot-lungkot ko ngayon. Wala kasi akong maasar tungkol sa pagiging makalimutin. Gusto kong makita si Yixing. Aigoo.. Gabi na ata hindi pa din sila nauwi.
At oo nga pala.. Marami pa kaming pag-uusapan ng mga girls at ang topic namin ay tungkol kay Luhan and Yoona.. Bukas pa naman namin pag-uusapan yun.
Hindi ko tuloy alam kung kaynino ako kakampi... Kay Seo ba o kay Yoona? Hindi ko alam kung tama ba na may kampihan ako pero.. May mali kasi, e.
Kapansin-pansin naman kasi na gusto ni Yoona si Sehun. Halata naman kasi pag-may-d-date sila ni Sese. Todo ayos si Yoona kahit hindi naman pwede kasi makikilala siya sa labas.
"Makatulog na nga lang..." Mahina kong sabi at pinatay na ang lampshade sa tabi ko. It will be another to live tomorrow.
- - -
Maaga akong gumising para matulungan naman kahit papaano si Taeyeon, Tiffany at Seohyun sa pagluluto. Oh, ano kayo? TTS plus H ang magluluto para sa pagkain ngayong umaga!
"Seohyun, ayos ka lang ba?" Tanong ni Taeyeon kay Seo. Ah, oo nga pala, yung kagabi. Yung kay Luhan at Yoona. "Seobaby?"
"Ah! Ah, oo." Sabi ni Seo. Oo daw pero halata namang nag-f-fly yung isip niya. Hindi ko alam, sa tingin ko talaga hindi niya matanggap na may gusto pala ang isa niyang Unnie sa lalaking gusto or mahal niya.
Nag-clear naman ng throat si Tiffany, "Y'know what? Wag na lang natin tong usisain. We all know that we'll be talking about that later after our breakfast. The more talk, the more hurt."
Wisdom of words. Matalino kasi tong si Tiffany, e. Marunong na nga mag-English, matalino pa! Gifted!
Matapos ang pagluluto namin, ginising na namin ang ibang girls. Kumain na kami tapos dumeretso kaming lahat ng living room. Masinsinang usapan na.
"Wait! Wait! Sobra ang tension! Saglit lang!" Sabi ko. "Taengoo, asan na nga pala yung mga boys?" Wala, e. Miss ko na.
"Nag-text sila sakin kaninang umaga, sabi nila, hindi daw sila nakauwi kasi sobrang pagod na daw sila," Sabi ni Taengoo. "Okay, let's start!"
![](https://img.wattpad.com/cover/16298503-288-k921786.jpg)
BINABASA MO ANG
Everyday Love
Novela JuvenilForever... Monday let this dream bloom, Tuesday this dream will be bigger, Wednesday the rain will when your tears stop, Thursday the moon and the sun will come out, Friday we’ll play in my dreams... Date Created: 140314