"Andyan na naman si nerdy oh hahaha" tawanan ng mga estudyante.Di ko naman alam kung sino ang tinatawanan nila
"Akala mo nababagay ka sa school na toh Hindi!"sigaw pa ng isa at biglang lumapit sakin
"Hey!" Sigaw sakin nito
"A-ako?" sabay turo ko sa sarili ko
"Yes nerd" sabay sampal sakin
Ako naman nagulat kase never akong sinampal ni mommy pero kung sa ibang tao ko ito mararanasan di ko alam kung anong masamang bagay ang magagawa ko dito
Umalis na lang ako doon at binulong ang mga salitang...
"Sana bumalik sayo yung ginawa mo sakin" at naglakad na ako papunta sa room
Pagkarating ko sa room ay umupo na ako sa pinakadulo ng row at nilabas kaagad ang aking notebook
Kakarating lang din nung mga malditang akala mo maganda na yun at ang mga alipores niya.Maya maya'y dumating si mam at biglang sinampal ng malakas yung babaeng sumampal sakin kanina
"Go to the dean office now!"sigaw ng prof namin at halos mangiyak ngiyak na si ate girl at tumakbo palabas
Ako naman ay nagtaka.Nagkatotoo ba yung wish ko??Na sana bumalik sa kaniya yung ginawa niya sakin??
O siguro nagkataon lang yun?