Chapter 10

13 3 0
                                    


Habang gumagala kami ni Hanz ay pakiramdam ko na parang may sumusunod sa amin.

"Tara kain muna tayo Hanz" at niyaya ko si Hanz sa Jollibee at kumain na kami pero maya maya pa ay may nakita akong mga lalaking naka itim at naka mask na itim

Bigla akong kinabahan ng maalala yung napanaginipan ko

"Hanz tara uwi na tayo" sabi ko sa isip ko at pinasa sa kaniya at umoo naman siya siguro naramdaman niyang kinakabahan ako

Habang naglalakad kami pauwi ni Hanz ay biglang may humarang na itim na Van sa harap namin at hinarangan kami at nagsilabasan yung mga lalaking nakakulay itim

"Hanz tumakas ka na sabihin mo lahat ng ito sa pamilya ko at kay Tyler" nagmamadali kong saad

"P-pero pano ikaw??Dito lang ako" nag aalala niyang saad

Tiningnan ko lang siya at hinihipan ko siya sabay pitik ng daliri ko at nawala si Hanz.Dinala ko na kaagad siya sa bahay nila gamit ang kapangyarihan ko.

Nang lumapit sila sakin ay naglabas ako ng pana gamit ang kapangyarihan ko at tumakbo papalapit sa kanila

Nang tumama sa kanila ang pana ko ay bigla silang naging alikabok pero maya maya pa ay bigla akong nastop at biglang nandilim ang aking paningin

Pagkagising ko ay andilim sobra ng paligid ko

Ayun pala ay may nakatakip sa mata ko kaya pinikit ko ulit ang aking mata at ginamit ang aking mahika para matanggal ito

Nasan ako?!

Tiningnan ko ang buong paligid at sinubukan kong pumitik pero nakatape ang aking mga daliri

Pano ako makakatakas nito?!

Pinikit ko ulit ang aking mga mata at inisip na makakabalik ako sa bahay at umihip ako ng konting hangin.Pagkadilat ko ay nasa isang kwarto na ako

Malinis at maayos na kwarto

Hindi ko toh kwarto??

"Andito ka na rin sa wakas Kylie Jacob" at bigla itong tumawa

Sino toh?!

"Sino ka?!Bakit ako nandito?!" sigaw ko sa kaniya kahit hindi ko siya nakikita

"Di ako ang nagdala sayo dito ang sarili mo ang nagdala sayo dito" tugon niya at tumawa ulit

Baliw yata toh eh!

Pinikit ko ulit ang aking mata at inilabas lahat ng aking mahika para matanggal ako sa pagkakatali

Pagkatanggal ng mga tali ay bigla may tumama saking mga pana at agad sa isang pitik ko lang ay nasa bahay na kaagad ako

Sa wakas ligtas na ako...

The Magic I WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon