Umiyak lang ako ng umiyak dito sa garden at nahimasmasan
Siguro di talaga ako yung tipo ni Tyler.Never niya kong magugustuhan kahit na tulungan ko pa siya
Maya maya pa ay may nakita akong panyong nakalahad sa harap ko.Tinanggap ko naman ito at pinahid sa mga luha ko.Napatingin ako sa nagbigay nito at nginitian ito
"Salamat" at binalik ko ang panyo
"Ang babae dapat di umiiyak dapat minamahal yan" sabi niya sakin
"Ano nga palang pangalan mo?"dugtong niya pa
" Kylie Jacob"at inilahad ko ang aking kamay sa harap niya
"Alden Richard nga pala este Hanz Real" at nakipagshake hands siya sakin
"Yung Real ko hindi Ril ah kundi Re-Yal" paliwanag niya sakin at nakipagtawanan sakin
Siguro dahil sa aking bagong kaibigan ay makakalimutan ko na rin siguro ang taong nagpapatibok sa puso ng nerd na katulad ko...
Habang naglalakad kami ni Hanz ay napadaan kami sa music room at andaming babaeng nandon at isa isang nagpapakilala kay Tyl--
Oo nga pala kakalimutan ko na siya
Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad at hinatid niya ako sa room namin at nagpaalam na
Buti naman at nagkaroon ako ng kaibigan ngayong nangangailangan ako ng tulong na makalimutan si Tyler
Pagkaupo ko sa upuan ko sa classroom inilabas ko na kaagad ang libro ko at notebook ko
Maya maya pa ay nagsidatingan na rin ang aking mga kaklase at nagtilian ang mga kaklase ko at napatingin naman ako sa gawi ng pinto at nakita ko si Tyler na may kaholding hands habang papasok ng room
"Attention everyone!"pagtatawag ng atensyon sa amin ng ibang kamyembro ni Tyler
" Don't even touch her hurt her and even bullied her from now on she is the only one who can touch me,hold me,hug me and even kiss me because from now on she is my girlfriend"proud niyang saad at yung babae naman ay todo ngiti pero yung iba kong kaklaseng babae ay inggit na inggit Kay ate girl
Kung san ka masaya Tyler don na rin ako masaya...
Paalam aking mahal
