Author's Note:Ano na kayang mangyayari kay Kylie?
Wala na ba talaga siyang pag asa kay TylerGabi gabi umiiyak ako para mawala lahat ng sakit na naipon dito sa aking dibdib pero hindi mawala wala
Andito ako ngayon sa classroom nakatitig kala Tyler
Kita sa mukha ni Tyler na masaya siya don sa babae na yun
"Naalala mo pa ba nung tinawag ako ng prof natin?kinausap mo ako sa isip ko tapos sinabi mo yung sagot mo sakin diba hahaha" sabi ni Tyler sa girlfriend niya
"Oo nga eh hahaha natatawa ako sa reaksyon mo noon hahaha" tawa nung babae
Naiinis ako sa babaeng yun pero hinahayaan ko na lang
Pano ba naman kase nagpapanggap siyang ako?
Pero parang nahulog na rin siguro ang loob ni Tyler sa kaniya.Wala na talaga akong pag asa...
Biglang sumikip ang aking dibdib ng makaramdam ulit ako ng lungkot
"CR muna ako ah"paalam ni ate girl kay Tyler
Pagkakataon ko na toh
Lumapit ako kay Tyler at kinalabit ito
"T-tyler..."kinakabahan ako habang binabanggit ang kaniyang pangalan.Napalingon naman siya sakin at nakakunot ang noo niya
"May kailangan ka ba sakin nerd?" naiirita niyang tanong sakin
"Pwedeng makipagkaibigan?" pag aalok ko sa kaniya
Natawa naman siya sa sinabi ko at maya maya pa ay binulungan siya ng mga kasama niya at nagsitunguhan sila
"Sige ba!" nakangiti niyang tugon
Nang sinabi niya iyon ay biglang nabuhayan ang loob ko.
Okay lang kahit magkaibigan kami atleast may papel ako sa buhay niya
Bumalik na ako sa upuan ko at bumalik na dito sa room si ate girl
Binubulungan ni Tyler si Ate girl at napatingin siya sa gawi ko.Ako naman ay nagtataka kase panay tingin sila sakin.
Maya maya pa ay lumapit sakin si ate girl
"Hi!I'm Daisy Pedrozo at ako yung girlfriend ni Tyler ito nga pala oh" sabay lapag niya ng mga notebook sa table ko
"Tapusin mo lahat ng lecture namin diyan dapat kumpleto ah salamat!"at tinalikuran niya na ako
Haayyyy
Ang hirap maging nerd pakiramdam ko ang baba ko sobra
Nagring na ang bell at inayos ko na ang gamit ko