Nang matapos ang klase ay lalabas na sana ako ng pigilan ako ni Tyler"I-ikaw na ba talaga yan?" tanong niya sakin
"Hindi ako toh kalimutan mo na lang ako" at lumabas na ako ng room.Nakita ko naman na hinihintay na pala ako ni Hanz at sabay na kami kumain sa garden
"Bakit parang ang lungkot mo na naman Kylie?"tanong niya sakin
"Basta..." sabi ko sa kaniya at kumain lang ng kumain
"Tinatamad ako pumasok sa ibang subject Hanz tara cutting tayo" pakiusap ko sa kaniya
"Sige ba!" at tumayo siya
"San ba gusto mong pumunta?" tanong ko sa kaniya
"Gala sana tayo kaso wala tayong pera"at nilabas niya ang wallet niya at walang lamang pera
Kung kailan ginanahan akong magcutting wala naman kaming pera haayyyyy
"Teka may gagawin ako"isang pitik ko lang ay nasa bahay na ako
Kinuha ko ang kulay pink na mask na laging nasa cabinet ko at bumalik sa garden ng school
" Anong gagawin mo diyan sa mask na yan?"tanong niya sakin habang nakatingin sa hawak ko
"Wala tayong pera diba?Gagawa ako ng paraan" sabay ngiti ko ng nakakaloko
Pumunta kaming dalawa sa ground at tinakpan niya ng panyo yung bibig niya para di siya makilala at ako naman sinuot ko ang pink na mask ko.Naglatag ako ng panyo para paglagyan ng mga pera at ipapakita ko na sa kanila ang dapat kong ipakita
"Attention everyone!"pagpupukaw ko ng atensyon ng lahat at nagtinginan silang lahat sa direksyon ko
"I'm Magician Girl at ipapakita ko sa inyo ang talento ko" at sa isang pitik ko lang ay nagkaron ng fireworks sa langit at nagpalakpakan ang lahat
May nakita akong nerd at pinalapit ko ito sakin
Sa isang pitik ko lang ay naging isa siyang magandang babae at nagulat ang lahat at nagkumpulan ang mga tao sa paligid ko at naglagay sa panyong nilagay ko ng pera
At kinuha ko ang mga ito at sa isang pitik ko lang ay nasa labas na kami ng school ni Hanz
Tinanggal na namin ni Hanz yung mask namin at gumala na kami
