Chapter 7.5

10 5 0
                                    


Pagkadilat ko ng aking mga mata ay nakita kong nasa harap ko ngayon si Tyler

"T-tyler?"

Bakit nandito siya?

"Bakit di mo sinabi sakin na ikaw pala yun...tanggap naman kita eh pero bakit di ka nagpakita sakin nung araw na hinahanap kita" tanong niya sakin

"Tyler kase a-ano---" naputol yung sasabihin ko ng biglang may kumuha saming mga naka itim na lalaki

"Tyler!Bitawan niyo kami!"sigaw ko

Maya maya pa ay bigla akong napabangon sa higaan ko

Panaginip lang pala hooo

Ano kayang ibig sabihin ng panaginip kong yun?

Nag asikaso na ako at pumasok na ako sa school.Pagkapasok ko pa lang ng room ay ang tahimik ng room kahit na madami ng tao dito.

Umupo na ako sa aking upuan sa pinakadulo at tiningnan ko si Tyler parang ang lungkot niya sobra.

Aissh wag ko na ngang pansinin yan di niya rin naman ako pinapansin eh

"Hey nerd!"sigaw sakin nung isang kasama ni Tyler

"A-ano yun?" nagtataka kong tanong

"Yung pinapagawa namin sayo tapos na?" tanong niya

"Ay oo nga pala" at kinuha ko sa bag ko yung mga notebook nila at ibinigay sa kanila

"Salamat!" sigaw nilang lahat maliban kay Tyler

"Yung notebook ni Daisy itapon niyo na" rinig kong sabi ni Tyler sa kanila

"Pre bakit naman?" nagtatakang tanong ng mga kasama niya ngunit di niya ito sinagot

"Makikita din kita..."narinig kong saad ni Tyler sa isip niya

The Magic I WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon