Pumunta na ako sa library sa pinakadulong table at inilabas ang mga notebook na ibinigay sakin kanina at naglabas ng mga ballpen
Kinontrol ko gamit ang magic ang mga ballpen at kusa silang nagsulat sa notebook habang ako naman ay nagrereview
Habang nagrereview ako ay pakiramdam ko na parang may nakatingin sakin nagulat ako ng makita si Hanz na manghang mangha
"Wooow!" saad niya
Isang pitik ko lang ay natauhan agad si Hanz
"Kylie gawa mo itong lahat??"tanong niya sakin
" Wag kang maingay"paalala ko sa kaniya at pinaupo siya
"Oo may magic ako at ayoko itong ipagkalat kaya quiet ka lang ah" pagpapaliwanag ko sa kaniya
"Turuan mo nga ako kung pano mo nagagawa yan?"tanong niya sakin
"Di ko matuturo sayo eh kase nasa dugo ko na yata ang pagiging magician" tugon ko sa kaniya
Maya maya pa ay may narinig akong boses sa isip ko
"Babe nasan ka na?nababasa mo isip ko diba?kanina pa kita hinihintay"
Nagulat naman ako
"Hanz nagsalita ka ba??"tanong ko sa kaniya
"Hindi bakit?" nagtataka niyang tanong
"Anong sinabi mo sa isipan mo?" Tanong ko sa kaniya
"Nagugutom ako?"sabi niya habang nagtataka
"May nabasa na naman kase ako sa isip ko eh nakakabasa at nakakarinig kase ako ng iniisip ng ibang tao"pagpapaliwanag ko sa kaniya
"Talaga??" namamangha niyang tanong
"Tara na nga muna kain na muna tayo mukhang gutom na gutom ka na eh hahaha" at inayos ko na ang aking gamit at pumunta na kami sa canteen
